5 patay, 8 sugatan sa salpukan ng multicab at van sa Leyte | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
5 patay, 8 sugatan sa salpukan ng multicab at van sa Leyte

ABS-CBN News
Published Nov 10, 2023 12:44 PM PHT

Umabot na sa lima ang bilang ng mga nasawi matapos magsalpukan ang multicab at pampasaherong van sa Palo, Leyte noong Huwebes.

Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente alas-5:45 ng madaling araw sa national highway sa Barangay Guindapunan.

Kasama sa mga nasawi ang 16-anyos na lalaking estudyante at 33-anyos na lalaki na parehong sakay ng multicab, ayon sa pulisya. Dead on arrival umano sila sa ospital.

Binawian naman ng buhay noong gabi ng Huwebes sa ospital ang tatlong iba pa.
Binawian naman ng buhay noong gabi ng Huwebes sa ospital ang tatlong iba pa.
ADVERTISEMENT
Patuloy na ginagamot ang walong sugatan na pasahero ng van.

Sa imbestigasyon ng Palo police, lumalabas na ang multicab ay galing sa Tacloban City at papuntang Palo, Leyte habang ang pampasaherong van ay galing Southern Leyte.

Pagdating sa lugar, magle-left turn sana umano ang multicab papunta sa isang simbahan nang bigla itong salpukin ng pampasaherong van.

Nasa kustodiya na ng Palo police ang driver ng van, na nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.

— Ulat ni Ranulfo Docdocan
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT