ALAMIN: Bakit iba-iba ang minimum wage kada rehiyon? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Bakit iba-iba ang minimum wage kada rehiyon?

ABS-CBN News
Published Nov 06, 2018 01:09 PM PHT

Nitong Lunes ay inanunsiyo na inaprubahan na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ng Metro Manila ang P25 umento ng minimum wage earners.

Pero bakit nga ba Metro Manila lang ang may umento at hindi kasama ang iba pang rehiyon?

Paliwanag ni Atty. Noel Del Prado sa “Usapang De Campanilla” nitong Lunes na alinsunod ang pagbibigay ng dagdag-umento sa cost of living o ang halagang kailangan para mamuhay sa kada rehiyon.

Maaari kasing iba-iba ang presyo ng bilihin sa bawat lugar.
Maaari kasing iba-iba ang presyo ng bilihin sa bawat lugar.
ADVERTISEMENT
"Sinasabi na sa bawat rehiyon, iba-iba ang kondisyong ekonomiya. Ibig sabihin, sa NCR, kunware, may mga malalaking kompanya, pero sa mga probinsiya, iba ang cost of living, at iba 'yung epekto ng inflation. Isa rin itong tinugunan ng batas na dapat akma ang [taas-sahod] sa living conditions ng rehiyon," aniya.

Binuo ito sa ilalim ng Republic Act 6727 o ang "Wage Rationalization Act."

Sa nasabing batas rin itinatag ang RTWPBs na mayroong sangay sa bawat rehiyon ng bansa.

Binubuo ang mga RTWPB ng mga kinatawan ng gobyerno, employer, at labor group— at sila-sila ang nag-uusap kung magkano ang umento sa kanilang rehiyon.

Isang beses lang kada taon dapat magkaroon ng wage hike ngunit ayon kay Del Prado, maaaring pagbigyan ang muling hirit kung may mga emergency tulad ng mga dagdag-presyo kada linggo na nakakaapekto sa pamumuhay ng minimum wage earners.

Kapag kasado na sa RTWPB ang wage hike, magiging epektibo ito 15 araw matapos mailathala.

May multang P25,000 at isa hanggang dalawang taong pagkakakulong ang mga kompanyang lalabag nito.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
DZMM
Usapang de Campanilla
wage hike
Regional Tripartite Wages and Productivity Board
Metro Manila
regions
presyo
umento
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT