ALAMIN: Mga dapat gawin sakaling magkaroon ng tsunami | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Mga dapat gawin sakaling magkaroon ng tsunami

ABS-CBN News
Published Nov 05, 2019 08:54 PM PHT

Ngayong "World Tsunami Awareness Day," ibinahagi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang ilang dapat tandaan sakaling may banta ng tsunami sa bansa.

Nangyayari ang tsunami kapag may lindol sa ilalim ng dagat - dahilan ito para umuga ang seabed at tumapon ang tubig nito papunta sa dalampasigan.

Madalang mangyari ang tsunami pero mapaminsala ito, ayon sa ahensiya, kaya may mga hakbang para maging alisto sa paparating na sakuna.

Una, ayon kay Phivolcs director Renato Solidum, dapat isaalang-alang ang "Shake, drop, and roar" bilang senyales na may paparating na tsunami.

Dapat may shake, o lindol; drop, o mabilis na pagbaba o pagtaas ng tubig; at roar, o ang maririnig na dagundong na senyales na may paparating na alon.

May ilang minuto o oras bago tumama ang tsunami sa lupa, kaya may pagkakataon pang lumikas.

Ayon kay Solidum, dapat ipuwesto ang mga evacuation areas sa matataas na lugar.

Pero dapat isaalang-alang ang pagkakaroon ng mga aftershock pagkatapos ng lindol.

"'Di pwedeng simpleng higher ground lang, baka landslide prone, mataas na lugar at hindi mala-landside, so ang kailangan na pipiliin ng local government ay hindi nagla-landslide," ayon kay Solidum sa isang forum.

Kasama sa forum ang city disaster official ng Calapan City na si Nelson Aboboto, na kasama sa mga nasalanta nang tumama ang 7.1 magnitude na lindol na sinabayan ng tsunami noong 1991.

Isa ito sa 41 na na tsunami na nangyari sa Pilipinas magmula 1828 hanggang 2018, batay sa tala ng Phivolcs.

Katumbas ng tatlong palapag na gusali ang alon na nagwasiwas sa ilang komunidad malapit sa dalampasigan. Aabot sa 41 ang namatay.

"Nakakaawa, kahit ngayon, 'pag naalala ko, iba nararamdaman ko, nu'ng panahong 'yun, ang kailangan lang talaga namin kumilos para makita pa namin 'yung mga taong nawawala," ani Aboboto na nagbahagi ng kaniyang karanasan sa forum.

Sa simulation ng Phivolcs, lumalabas na may 2.5 milyong tao sa Metro Manila ang nasa "tsunami zone" o nasa lugar na maaaring matamaan ng tsunami - kapag may nangyaring lindol na may 8.3 magnitude sa Manila Trench ng gabi.

Iginiit ng ahensiya na dapat may handang lugar ang mga LGU para mag-evacuate.

Kaugnay nito, magsasagawa ng simultaneous earthquake at tsunami drill sa Nobyembre 14 ang Phivolcs, alas-9 ng umaga.

-- Ulat ni Jeff Canoy, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
tsunami
Phivolcs
earthquake
trahedya
disaster
World Tsunami Awareness Day
natural disaster
shake drop and roar
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT