Panawagan vs. 'EJK', idinaan sa misa at prusisyon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Panawagan vs. 'EJK', idinaan sa misa at prusisyon

Panawagan vs. 'EJK', idinaan sa misa at prusisyon

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 06, 2017 01:24 AM PHT

Clipboard

(UPDATED) Nakilahok ang ilang grupo at ilang naulila sa pagsisimula ng programa ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) na tumututol sa extrajudicial killings.

Alas-3 ng hapon, nagdaos ng misa sa EDSA Shrine sa pangunguna mismo ni CBCP president Socrates Villegas.

Sa kaniyang sermon, nanawagan si Villegas sa mga gumagamit ng ilegal na droga na magbago dahil hindi pa huli ang lahat.

Sa mga kaanak naman ng mga pinatay na drug users sa umano'y kaso ng extrajudicial killings, sinabi ni Villegas na huwag magpadala sa simbuyo ng paghihiganti.

ADVERTISEMENT

Pinaalalahanan din ni Villegas ang mga kababayan na pagsilbihan ang kapwa at hindi ang mga politiko.

Tinatayang nasa 2,500 ang bilang ng mga dumalo sa pagtitipon bandang alas-3 ng hapon, ayon sa Quezon City Police District.

Matapos ang misa'y nagdaos ng prusisyon bitbit ang imahen ng Our Lady of Fatima, imaheng dala-dala rin ng mga deboto noong 1986 EDSA People Power Revolution.

Nilinaw naman ng pangkat na Tindig Pilipinas na hindi politikal ang kanilang pagsali sa prayer rally.

Iginiit naman ng Malacañang na hindi rin nila tinatanggap ang nangyayaring extrajudicial o vigilante killings na iniuugnay sa giyera kontra droga ng administrasyon.

Nais din nilang makipagtulungan sa Simbahang Katolika kaugnay sa kanilang kampanya kontra droga.

Kabilang ang misa, prusisyon, at cultural show sa mga serye ng aktibidad para sa "Lord Heal Our Land" o 33 araw na taimtim na pagdadasal na hiling ng CBCP para sa mga biktima ng extrajudicial killings.

-- Ulat nina Jeck Batallones, Zhander Cayabyab at Pia Gutierrez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.