Mga Pinoy sa Jordan may pakiusap kay PBBM | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga Pinoy sa Jordan may pakiusap kay PBBM

Robert Bulquiren | TFC News
Published Nov 04, 2022 02:42 PM PHT
|
Updated Nov 06, 2022 08:57 AM PHT

AMMAN - Noong October 7, 2022 nakaisandaang araw na sa panunungkulan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos,Jr.

Para sa mga OFW na nakausap ng TFC News saAmman, Jordan umaasa sila ng maraming pagbabago lalo na sa pagpapalakas ng bagong tatag na Department of Migrant Workers (DMW).

“Para sa akin masaya naman ako, lalo na kay OWWA administrator Arnell Ignacio, as an OFW masaya ako sa ginagawa niya and then concern lang namin yung peace and order sa Pilipinas,” sabi ni Juvylyn Escober, kasambahay sa Jordan.

“Marami na rin tayong mga project at nagagampanan niya, lalo na sa pagtulong niya sa ating mga OFW dito sa ibang bansa at marami siyang serbisyo sa atin, ‘yan ang maganda,” sabi ni Faujiya Jakariya, kasambahay sa Jordan.

“Nagpapasalamat din kami dahil tumaas ang palitan ng Dinar at Dollar ganun tsaka may promise rin siya sa aming mga OFW na tutulungan niya kami,” sabi ni Marilyn Padua, kasambahay sa Jordan.

“Masaya din ako sa kanya, especially the OFW ngayon ‘yan ang priority niya ngayon na may makukuha kami bago kami mag-for-good sa Pinas,” sabi ni Mary Ann Reyes, housekeeper sa Jordan.

Pero meron ding nababahala sa lagay ng ekonomiya ng Pilipinas.

“Gusto ko sana na matutukan ni PBBM yung mga presyo ng bilihin sa Pilipinas ay bumaba kasi napakamahal, masyadong mahal siya tulad niyan yung one thousand mo parang one hundred pesos na lang, tapos hindi pa nabili lahat lalo na kung yung mga kababayan natin uuwi na for good, mukhang mapapabalik sila sa ibang bansa,” diin ni Christine Vigay, household skilled worker.

May hiling din sa pangulo ang ilang mga undocumented tulad ni “Salma,” hindi tunay na pangalan.
May hiling din sa pangulo ang ilang mga undocumented tulad ni “Salma,” hindi tunay na pangalan.
ADVERTISEMENT
“Ito po ang hinihingi ko kay BBM at si Sara na tumulong dito sa maraming walang papel dito sa Jordan at yung mga gustong umuwi na hindi makauwi kasi walang mga trabaho at walang pambiling ticket kasi kawawa ang mga tao dito. Mula nung corona (virus) wala nang maayos na trabaho ang mga tao rito sa Jordan,” sabi ni “Salma.”

Kaugnay nito ang paglalaan ng pondo para sa AKSYON fund na bahagi ng Department of Migrant Workers (DMW) na nakatutok sa overseas employment and welfare program, gayundin sa overseas repatriation program.

Umaasa ang mga OFWs ng mga magagandang pagbabago at patuloy na pagtutok sa kapakanan ng OFWs na itinuturing na bayani ng bansa.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Jordan, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
KAUGNAY NA VIDEO:
Read More:
TFC News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT