Israel naghahanap ng 500 caregivers, sahod halos P80k | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Israel naghahanap ng 500 caregivers, sahod halos P80k

ABS-CBN News
Published Nov 02, 2021 06:23 PM PHT
|
Updated Nov 02, 2021 08:48 PM PHT

MAYNILA — Matapos ang ceasefire sa pagitan ng Israel at Palestine, tuloy-tuloy na ang deployment ng mga OFW sa Israel.

Ang caregiver na si Jan Magbanua, 3 buwan pa lang doon pero bawi na raw lahat ng gastos at sakripisyo.

"Ang mga Pilipino caregivers dito sa Israel ay mataas 'yung tingin nila… Maganda 'yung pasweldo nila, maganda rin 'yung alam mo 'yung benefits… Thankful talaga ako," aniya.

Nasa 500 home-based caregivers ang kailangan ulit sa Israel.
Nasa 500 home-based caregivers ang kailangan ulit sa Israel.
ADVERTISEMENT
Tinatayang nasa 5,300 NSI (New Israeli Shekels) ang buwanang sahod o aabot sa P77,320.

Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), kailangan lang ang mga sumusunod na qualifications:

- Filipino citizen
- At least 23 years old
- At least 1.5 meters ang taas
- At least 45 kg ang timbang
- BS nursing or BS physical therapist graduate or nakatapos ng 10 taon ng pag-aaral at may TESDA certification na NCII para sa caregiving at may 760 oras ng training
- English language proficiency
- Hindi pa nakapagtrabaho sa Israel
- Walang magulang, asawa o anak na nagtatrabaho o nakatira sa Israel
- Malusog ang isip at pangangatawan
- May NBI clearance

Government-to-government ang hiring kaya sa POEA lang pwedeng mag-apply o sa website na ito.

Ang unang hakbang, mag-register sa POEA website at sundin ang instructions.

Susuriin ng POEA ang online application at magbibigay ng schedule para sa interview, submission of documents at pre-recruitment briefing para ipaliwanag ang proseso ng pagpili ng mga Israeli employer.

— Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT