Angkas ng motorsiklo patay, 2 rider sugatan sa salpukan sa Parañaque | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Angkas ng motorsiklo patay, 2 rider sugatan sa salpukan sa Parañaque

Angkas ng motorsiklo patay, 2 rider sugatan sa salpukan sa Parañaque

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 02, 2021 07:52 AM PHT

Clipboard

MAYNILA—Dead on the spot ang 29-anyos na angkas ng motorsiklo matapos makabangga ang isa pang motorsiklo at truck sa East Service Road sa Barangay San Martin De Porres, lungsod ng Parañaque, Biyernes ng madaling araw.

Nakunan ng CCTV ang pagkaladkad ng truck sa motorsiklo na nanggaling sa kaparehong lane at sa mga sakay nito.

Sa imbestigasyon ng Parañaque City Police, nagtangkang mag-overtake ang motorsiklo sa truck sa northbound lane.

Sumalpok ito sa nakasalubong na motor sa kabilang lane bago pumailalim sa truck at makaladkad. Hindi huminto ang truck at nakatakas.

ADVERTISEMENT

Sugatan ang mga rider ng 2 motorsiklo na kinilalang sina Junnel Basada at Marlon Urbano.

Nahati ang katawan ng angkas ni Urbano na si Proseso Doza Jr.

Ayon sa nakababatang kapatid ni Doza na si Alfredo Atayde, pauwi noon ang magkaangkas mula sa pagdiriwang ng birthday ng kaibigan sa Taguig.

Nagtatrabaho si Doza bilang kitchen crew sa restaurant. Naulila nito ang 4 na kapatid.

Sabi ni Atayde, aminado ang rider ng motor sa kanya na nakainom ito sa party at na sumubok itong mag-overtake sa truck.

ADVERTISEMENT

Nagpapagaling pa rin ang rider sa ospital.

Patuloy pa ring nag-uusap ang mga kampo ng mga rider tungkol sa posibleng settlement.

Humihiling din ang pamilya ng biktima ng tulong sa mga nakakita o may impormasyon sa kinaroroonan ng driver o ng truck na ipaalam ito para makatulong sa paghanap sa drayber.

Ayon sa kanila, patatapusin muna nila ang paglibing sa biktima bago desisyunan kung magsasampa ng kaso.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.