Pasahero ng Grab na naaksidente sa biyahe, nahirapan humingi ng danyos | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pasahero ng Grab na naaksidente sa biyahe, nahirapan humingi ng danyos

ABS-CBN News
Published Nov 02, 2019 08:15 PM PHT

MAYNILA—Isang pasahero ng Grab na naaksidente dahil sa umano'y kapabayaan ng driver ang nagrereklamo dahil ayaw raw siyang bayaran ng kompanya sa hinihinging danyos.

Ayon sa complainant na si Carlo Roguel, sumakay siya sa isang Grab noong Setyembre 4 kung saan naaksidente sila sa Cavite.

Duguan at namaga ang mukha ni Roguel dahil sa lakas umano ng impact ng pagbangga.

"Malakas ang impact kasi halos tumilapon ako sa unahan . . . Nag-blackout ako for a couple of seconds, pagmulat ko duguan na ako, namamaga na. Napakasakit na ng mukha ko," kuwento ng biktima.

Bago ang aksidente, may napansin si Roguel.

"Distracted [ang driver] dahil may pinapanood siyang Youtube video sa harapan niya," aniya.

Agad pumunta sa ospital si Roguel at ginamit ang sariling medical insurance para sa pagpapagamot.

Ayon sa kaniya, ilang linggo rin siyang hindi nakapasok dahil namaga ang mukha niya sa aksidente.

"Sabi ko sa Grab hihingi ako ng danyos, dahil sa lost wages, pain and suffering, and undergoing treatments. Ang lumalabas ayaw nilang makipag-usap, ayaw nilang panagutan," ani Roguel.

Nakipag-ugnayan ang "Tapat Na Po" sa Grab at nilinaw nilang sagot nila ang pagpapagamot ng biktima pero dapat umanong sa driver at kaniyang operator hingin ang danyos at hindi sa kompanya.

"We will reimburse ang kaniyang medical expenses na supported ng kaniyang receipts, 'yung mga check-up niya for example, 'yung test na ginawa niya," ani Atty. Nicka Hosaka, public affairs manager ng Grab Philippines.

"Ang maaaring gawin ni Grab ay coordination [between the driver and Roguel]," dagdag niya.

Sinubukang hingan ng panig ng "Tapat Na Po" ang driver, pero hindi ito sumasagot sa tawag.

Sabi ng Grab, kakausapin nila ang driver at kung sino man ang operator nito.
Sabi ng Grab, kakausapin nila ang driver at kung sino man ang operator nito.
ADVERTISEMENT
Sa mga konsumer na nais magpadala ng reklamo, mag-post lamang sa Facebook page ng "Tapat Na Po."

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT