Mga negosyo sa sementeryo, buhay sa Araw ng mga Patay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga negosyo sa sementeryo, buhay sa Araw ng mga Patay
Isay Reyes,
ABS-CBN News
Published Nov 02, 2018 10:02 AM PHT

MAYNILA – Samu’t-saring negosyo o raket ang pinagkakakitaan ng mga tao sa mga sementeryo sa Araw ng mga Patay.

Pagsapit ng Undas, isa si Dong Jadolco sa mga taong pansamantalang nagiiba ng hanap-buhay.

Mula sa pagiging construction worker at pintor, mga puntod sa Bagbag Public Cemetery sa Quezon City ang kaniyang pinapaganda kasama ang ka-grupo.

“Nasa P50 po ang kinikita ko. Wala naman saktong presyo, inaabutan lang po. Kasama ko po anak ko,” ayon kay Jadolco.
“Nasa P50 po ang kinikita ko. Wala naman saktong presyo, inaabutan lang po. Kasama ko po anak ko,” ayon kay Jadolco.
ADVERTISEMENT
Sa semeteryo ring ito, raket naman ng ilan ang pagpaparenta ng upuan sa halagang P20 at hagdanan sa halagang P50 kada akyat para maabot ang matataas na puntod.

Sinasamantala naman ng mga negosyante ang panahon ng Undas dahil sa naiipong mga tao sa isang lugar.

Sa loob at labas ng Manila North Cemetery ay nagkalat ang mga nagbebenta ng mga pagkain at inumin.

Mula sa mga kwek kwek, fish balls, mais, pizza, lahat ng klase ng juice at kung anu ano pa, mabibili doon.

Kaniya-kaniya rin ng mga promotion, buy 2 take 1, meron pang buy 3 take 1 dahil grupo-grupo ang dating ng mga tao.

“Mas malakas po ngayon. ‘Yan na po talaga yung presyo namin kahit sa labas po,” sabi naman ni Ronel Quinones, isa sa mga nagtitinda sa sementeryo.

Maging ukay-ukay ay meron na rin sa sementeryo. Ayon sa tindero, bago pa lang ang kanilang negosyo kaya’t tinitingnan nila kung bebenta.