ALAMIN: Mga benepisyong matatanggap ng mga mauulilang kaanak | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Mga benepisyong matatanggap ng mga mauulilang kaanak

ABS-CBN News
Published Nov 01, 2019 09:53 PM PHT
|
Updated Nov 01, 2019 10:15 PM PHT

Ang death benefit ay isa sa mga benepisyong hindi natin gugustuhing magamit habang tayo ay kumakayod sa buhay.

Pero ano-ano nga ba ang mga benepisyong ito?

Kapag kawani ng gobyerno ang namatay, makakakuha ito ng P30,000 funeral benefit mula sa Government Service Insurance System.

Makakakuha din ng dalawang klase ng death claim ang pamilya ng namayapa sa GSIS, na maaaring magkaiba ang benepisyaryo.

ADVERTISEMENT
“Kung nag-designate ang ating member ng beneficiary kung sino naka-designate dun sa LET, sya yung bibigyan natin but under the enhanced life endowment plan na ELP, legal heirs na,” paliwanag ni Vilma Fuentes, Vice President for Mindanao Operations ng GSIS.

May death benefits din ang mga benepisyaryo na miyembro ng Social Security System at ng PAG-IBIG Fund.

May funeral benefit na P20,000 hanggang P40,000 ang mga naiwan ng mga namayapa depende sa hulog ng namatay na miyembro mula sa SSS.

May death benefit din sa pamamagitan ng pensiyon ang mga naulila ng lumisan.

Ayon kay Fernando Nicolas, Department Manager ng SSS, makukuha ito ng legal na asawa at menor de edad na anak na lehitimo, legitimated o legally adopted.

Sa PAG-IBIG Fund, ibibigay sa benepisyaryo ng namatay na miyembro ang lahat ng naihulog sa funeral benefit na aabot ng P6,000; burial assistance na aabot sa P26,000.

Maaari ring mabura ang housing loan, hudyat na "fully paid" na ito.

“Kung housing loan borrower yung member nating pumanaw at ang mahalaga updated ang pagbabayad ng kanyang housing loan, considered fully paid na yung loan,” ani Jack Jacinto, deputy manager ng PAG-IBIG Fund.

Pero kung may multi-purpose loan ang namatay na miyembro, ikakaltas pa rin ito sa benepisyong matatanggap ng pamilya.

--Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
TV Patrol
Alvin Elchico
TV Patrol Top
death benefits
benepisyo
PAG-IBIG Fund
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT