2 bata patay, 14 sugatan sa aksidente sa STAR Tollway | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 bata patay, 14 sugatan sa aksidente sa STAR Tollway

2 bata patay, 14 sugatan sa aksidente sa STAR Tollway

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Patay ang dalawang bata habang sugatan ang 14 iba pa matapos mahulog ang sinasakyang van sa kanal sa Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway sa Malvar, Batangas Lunes ng gabi.

Galing sa isang beach resort sa Anilao, Mabini at pauwi na sana sa Pasig ang L300 van ng mga biktima nang mag-overtake ito sa Kilometer 73 ng tollway.

Nagpagewang-gewang umano ang van nang mawalan ng kontrol ang driver na si Joseph Fernando hanggang sa mahulog sa malalim na bahagi ng kanal.

Kinilala ang mga nasawi na sina Janelle Anne Delanon, 9, at Jaylord Lance Delanon, 12.

Isinugod naman sa Mary Mediatrix Hospital sa Lipa ang 14 na nasugatang karamihan ay mga bata.

Posibleng sampahan ng patong-patong na kaso ang driver na sinasabing nakainom ng alak. -- Ulat ni Arnell Ozaeta, DZMM

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.