DepEd maglalabas ng dagdag na polisiya kontra cyberbullying | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

DepEd maglalabas ng dagdag na polisiya kontra cyberbullying

DepEd maglalabas ng dagdag na polisiya kontra cyberbullying

ABS-CBN News

Clipboard

Sa online na lang ngayon nakikita at nakakausap ng Grade 7 student na si "Kyle" ang mga kaklase mula nang ipatupad ang distance learning sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Pero ang usapan umano nilang magkakaklase sa group chat ay nauuwi minsan sa masasakit na salita.

Ayon kay "Kyle," hindi niya ito naranasan noong face-to-face pa ang klase.

"Naririnig ng teacher. Mapapa-guidance pa po kami... binabawian ko din sila ng asar din," ani "Kyle."

ADVERTISEMENT

Dahil sa mga ganoong insidente, mas nakabantay ngayon ang guardian ni "Kyle" sa kaniya.

"Pagkatapos ng online class nila, iche-check 'yong social media accounts niya," ani "Jenny," guardian ni "Kyle."

Ayon sa Department of Education (DepEd) at Child Protection Network (CPN), posibleng umakyat ang mga insidente ng cyberbullying ngayong online na ang klase ng maraming mag-aaral.

"There may be difficulty sa pag-differentiate between personal time and learning time, so baka mag-spill over ‘yong bullying doon sa online learning," anang abogadong si Gil Aquino, child rights senior office sa DepEd.

"Environment niya nag-shift pero ang taong involved, same lang. ‘Yong risk factor sa buhay niya is the same, whether it is online or school setting," ani CPN Executive Director Bernadette Madrid.

ADVERTISEMENT

Naniniwala ang clinical psychologist na si Cely Magpantay na posibleng mas malaki ang epekto sa bata ng cyberbullying kumpara sa pambu-bully nang harapan.

"Because the platform is accessible to all compared to when the child or student is in the face-to-face setup in their classroom, only few can witness. The magnitude and the exposure can add up to the psychological damage of the form of bullying," ani Magpantay.

Ayon sa DepEd Child Protection Policy, ano mang aksiyon ng mag-aaral online o sa text na dahilan para ma-harass, matakot o mapahiya ang isa pang mag-aaral ay maituturing na cyberbullying.

Iminandato ng DepEd noong 2012 ang pagbuo ng child protection committee sa bawat paaralan para tumanggap at agad tugunan ang mga reklamo ng cyberbullying at iba pang karahasan sa mga estudyante.

Pero inihahanda na ng ahensiya ang dagdag na polisiya para maprotektahan ang mga bata kontra cyberbullying at iba pang karahasan ngayong home-based ang learning.

ADVERTISEMENT

Ayon sa DepEd, mas malaki ang role ng mga magulang at guardian sa pagre-report ng mga insidente ng cyberbullying ngayon.

Kasama na rin sa dagdag na polisiya ang mga paraan kung paano matutulungan ang mga batang sangkot sa bullying at mga biktima sa pamamagitan ng interventions kahit may community quarantine restrictions.

Halimbawa ay ang paglapit sa Barangay Council For The Protection Of Children.

Inaasahang mailalabas ang dagdag na polisiya bago matapos ang Nobyembre.

May mga webinar din ang ilang non-government organization para mas ma-educate ang mga magulang, guro at mag-aaral ukol sa bullying.

-- Ulat ni Vivienne Gulla, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.