5 patay, 10 sugatan sa pag-araro ng truck sa mga sasakyan sa QC | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
5 patay, 10 sugatan sa pag-araro ng truck sa mga sasakyan sa QC

Joyce Balancio,
ABS-CBN News
Published Oct 26, 2017 04:51 PM PHT
|
Updated Oct 27, 2017 08:15 AM PHT

MANILA (2nd UPDATE) - Lima ang patay habang hindi bababa sa 10 ang sugatan matapos araruhin ng isang 22-wheeler truck ang ilang sasakyan sa San Mateo Road, Barangay Batasan Hills, Quezon City Huwebes ng hapon.

Kabilang sa mga namatay ang isang empleyado ng Bureau of Fire Protection na naipit sa tumagilid na truck.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, mabilis ang takbo ng truck na minamaneho ni Rogelio Kalimutan, 47, kaya’t nabangga nito ang 1 tow truck, 2 kotse, isang jeep at isang motorsiklo.

Galing umano sa pier sa Maynila si Kalimutan kasama ang 2 pahinante at magdedeliver sana ng kargang mga bakal sa San Mateo Road nang mangyari ang aksidente.

Ayon kay Adonis Monahan, isang kawani ng barangay, nawalan umano ng preno ang truck na may lulang mga bakal bandang 3:30 ng hapon.

Agad isinugod sa St. Mattheus Hospital ang mga biktima, ayon kay Monahan.

“Pagdating namin, halos nakabulagta na 'yung mga biktima. Kaya wala na kaming sinagip, 'yung mga buhay pa... Kaya lahat nagtulong-tulong kami na tanggalin sila sa sasakyan. Tsaka 'yung iba nakahandusay na, 'yun ang una naming dinala sa ospital," aniya.

Nasa kustodiya na ng QC Police District Station 6 ang driver ng truck, na binigyan muna ng paunang lunas sa ospital.

Mabigat ang daloy ng trapiko sa lugar dahil hindi pa naiaalis sa kalsada ang truck Huwebes ng gabi. Naitayo na ito gamit ang dalawang tow truck ng Metropolitan Manila Development Authority. --May ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News