Bahagi ng national highway sa Pagudpud, di pa rin madaanan dahil sa landslide | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bahagi ng national highway sa Pagudpud, di pa rin madaanan dahil sa landslide

Bahagi ng national highway sa Pagudpud, di pa rin madaanan dahil sa landslide

ABS-CBN News

Clipboard

Department of Public Works and Highways - Ilocos Region
Department of Public Works and Highways - Ilocos Region

Nananatiling hindi madaanan ang national highway na sakop ng Sitio Banquero sa Brgy. Pancian sa bayan ng Pagudpud, Ilocos Norte, dahil sa paulit-ulit na pagguho sa bahagi ng bundok.

Sa larawan mula sa Department of Public Works and Highways - Ilocos Region, makikita kung gaano kalaki at kalala ang kalsada na natabunan ng lupa.

Ayon kay Hendrick Pedronan na Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer, nagsimulang hindi madaanan ang national highway noong Linggo, Oktubre 16 dahil sa pananalasa ng bagyong Neneng.

Pinangangamabahang mas tatagal pa ang ganitong sitwasyon sa masamang panahon at epekto nito dulot ng bagyong Obet.

ADVERTISEMENT

Ang kalsada ay daan papasok at palabas ng Ilocos Norte sa hilagang bahagi ng lalawigan. – Ulat ni Dianne Dy

PANOORIN ANG KAUGNAY NA BALITA

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.