KTV restobar sinalakay ng mga awtoridad sa QC | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KTV restobar sinalakay ng mga awtoridad sa QC

Jekki Pascual,
ABS-CBN News
Published Oct 17, 2020 05:02 AM PHT

MAYNILA - Nagbabala ng ang mga awtoridad sa lahat ng mga establisimyento sa Quezon City na sumunod sa mga health protocol matapos salakayin ng QC Task Force Disiplina ang isang KTV restobar sa Roosevelt Avenue sa lungsod Biyernes.

Ayon kay Rannie Ludovica, hepe ng QC Task Force Disiplina, may natanggap silang mga reklamo laban sa restobar na umaabot na umano ng madaling araw ang operasyon at hindi na nasusunod ang mga health protocol gaya ng physical distancing at pagkakaroon ng limitasyon sa bilang ng bote ng beer o alak.

Pagsalakay nila sa tatlong palapag ng establisimyento, nakita ng mga operatiba na bukas pa ang KTV restobar kahit pasado na sa curfew na alas 10 ng gabi.

Marami rin aniya ang customer na umiinom pa ng mga beer at magkakadikit na ang mga tao sa loob ng bar.

ADVERTISEMENT
Ayon naman sa ilang customer, di nila namalayan na lagpas na ng curfew. Wala rin anilang abiso mula sa management ng bar. Sana raw yung bar na mismo magsabi ng lagpas na sa oras at kailangan na umuwi.

Nasa 16 na mga customer ang natikitan dahil sa paglabag sa curfew.

Posible namang ipasara ang KTV restobar dahil umano sa mga paglabag sa health at safety protocol.

Tuluy-tuloy aniya ang pag-raid nila para matiyak na sumusunod ang lahat na commercial establishment sa mga patakaran ngayong may pandemya.