Katol na mapanganib sa mga buntis, ipinagbawal | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Katol na mapanganib sa mga buntis, ipinagbawal

Katol na mapanganib sa mga buntis, ipinagbawal

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 15, 2017 05:38 PM PHT

Clipboard

Makikita sa larawang ito mula sa FDA ang packaging ng Baoma katol na ipinagbawal dahil sa ilang mapanganib na sangkap.

MANILA - Kanselado na ang registration permit ng "Baoma" katol matapos madiskubreng mapanganib ang ilang sangkap nito, lalo na para sa mga nagdadalang-tao, inanunsyo ng Food and Drug Administration (FDA), Linggo.

"Hindi po tama ang kanyang deklara ng ingredients... Ang mga sangkap po na ito ay hindi po siya safe," sabi sa DZMM ni Roda Laine Manaloto, hepe ng FDA Product Research Standard Development Division.

"Lalo na pong binabalaan po namin ang mga pregnant women, iyung mga nagdadalang tao po kasi siyempre sa paglanghap po nila at lagi nilang paggamit nito, maaari pong maapektuhan ang kanilang mga baby -- magkaroon po ng miscarriage o mamatay po ang kanilang mga baby."

Nakipag-ugnayan na aniya ang FDA sa Bureau of Customs upang mapigil ang pagpasok sa bansa ng Baoma mosquito coil mula sa Tsina.

ADVERTISEMENT

Nasampahan na rin aniya ng kaso ang importer ng Baoma.

Kasabay nito, binalaan ni Manaloto ang publiko na huwag tangkilikin ang Goldeer mosquito repellent incense, Wawang mosquito coil at F4F4 Anay Bai Yiling pesticide.

Hindi aniya dumaan sa inspeksyon ng FDA ang mga naturang produkto kaya maaaring mapanganib ang mga ito sa kalusugan.

Kabilang sa mga posibleng epekto ng substandard na household pesticide products ang skin irritation, pangangati, anaphylactic shock, respiratory disorders, endocrine complications, brain damage at organ failure, ayon sa isang FDA advisory.

Payo ni Manaloto sa publiko, hanapin ang FDA registration number sa packaging ng mga pesticide product upang matiyak na aprubado ang mga ito.

Maaaring iulat sa FDA hotlines (02) 857-1979 o 857-1984 ang mga nagbebenta ng mga ilegal na produkto.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.