Higit 27 kilo ng pork meat products naharang sa Bacolod | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Higit 27 kilo ng pork meat products naharang sa Bacolod

Mitch Lipa,
ABS-CBN News
Published Oct 10, 2019 03:30 PM PHT
|
Updated Oct 10, 2019 04:31 PM PHT

Mahigit 27 kilo ng produkto mula sa karne ng baboy ang nasabat ng African Swine Fever (ASF) Task Force sa Bacolod Airport.

Huwebes ng umaga nang masabat ang 15.28 kilo na shipment mula sa Pampanga na naglalaman ng Hungarian sausages, bacon, salami at pepperoni.

Matapos madokumento, pinabalik kaagad ang shipment sa parehong eroplano.

Ayon kay provincial veterinarian Dr. Renante Decena, ang Pampanga ay isa sa mga lalawigan na may positibong kaso ng ASF.

ADVERTISEMENT
Oktubre 8 naman ng gabi nang kumpiskahin ng task force ang shipment mula Quezon City na naglalaman ng 12.9 kilo ng assorted pork meat products. Kanila itong sinunog sa compound ng airport sa Bacolod.

Sabi ni Decena, misdeclared ang items dahil ang nakalagay ay assorted fish products pero may mga nakitang pork meat products gaya ng pork sisig, pork siomai, at siopao na kasama sa shipment.

May kumpirmadong kaso din ng ASF sa Quezon City.

Ang pag-intercept sa mga shipment ay resulta ng maigting na pagbabantay ng Task Force para hindi makapasok ang pork meat products galing Luzon, kung saan naitala ang ilang kaso ng ASF.

Nasa pangatlong linggo na ang 90-day ban period na ipinapatupad sa Negros Occidental upang mabigyang proteksyon ang P6-bilyong industriya ng hog raising sa lalawigan.

Negros Occidental ang may pinakamaraming backyard hog raisers sa buong bansa at may mahigit sa 51,000 na populasyon ng baboy.

Read More:
pork meat
backyard hog raiser
hog raising
hogs
baboy
African Swine Fever
ASF
Bacolod
Regional news
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT