Bulkang Bulusan, muling nagbuga ng abo | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bulkang Bulusan, muling nagbuga ng abo

Bulkang Bulusan, muling nagbuga ng abo

ABS-CBN News

Clipboard

Muling nagbuga ng abo ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon nitong Huwebes na nagdulot ng ash fall sa mga nakapalibot na lugar.

Tumagal ng 15 minuto ang pagbuga ng abo na nagsimula bandang alas-6 ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Hindi nakita ang pagbuga ng abo dahil sa makapal na ulap sa palibot ng bulkan.

May naitala namang ashfall sa ilang lugar sa bayan ng Gubat.

ADVERTISEMENT

Nakataas ang pinakamababang alerto sa paligid ng bulkan, ngunit muling pinaalala ng PHIVOLCS ang permanent danger zone sa 4-kilometrong paligid ng bulkan, kung saan bawal pumasok ang mga tao.

Nagbuga rin ng abo ang Bulusan noong Hunyo at Setyembre nitong taon.

--kasama ang ulat ni Thea Omelan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.