Mga guro, nagmistulang VIP sa pagdiriwang ng Teachers' Day | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga guro, nagmistulang VIP sa pagdiriwang ng Teachers' Day

Mga guro, nagmistulang VIP sa pagdiriwang ng Teachers' Day

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Binigyang-pugay ang mga guro sa iba't ibang panig ng buong Pilipinas sa araw ng mga guro o Teachers' Day nitong Biyernes.

Sa ilang paaralan tulad ng Manila Science High School, rumampa at nag-pose sa red carpet ang mga guro. Pinanood rin nila ang mga sayaw, kantahan, tulaan at mga video tribute mula sa kanilang mga estudyante.

Para sa guro tulad ni Ferdie Carpio ng Manila Science High School, hindi matatawaran ang kanilang saya sa mga pagkilala sa kanila ngayong araw.

"Pag binabasa ko ito nawawala talaga ang lungkot kasi ang sarap- sarap na paulit-ulit na basahin kasi ito ang tingin ng mga bata sa akin," aniya.

ADVERTISEMENT

Nakatanggap rin nitong araw ng mga benepisyo at serbisyo ang mga guro tulad ng libreng facial, libreng sakay sa MRT at LRT, at iba pa.

Sinorpresa rin ng mga estudyante ang kanilang mga guro sa Romanito Maravilla National High School sa Bacolod City. Makikita sa kuha ni Bayan Patroller Joel Jaquinta ang pagparada ng mga estudyante.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sumali naman ang mga estudyanteng may special needs sa Masskara festival para bigyang-pugay at pasalamatan ang kanilang mga guro.

Sa Davao City, ipinamalas ng mga guro ang kani-kanilang mga talento. Wala ring pasok sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.

Inanunsiyo rin ng Department of Education (DepEd) na makatatanggap ang mga guro ng P3,500 na cash allowance sa Disyembre. Bukod dito, may nakaamba ring dagdag sa kanilang cash allowance.

ADVERTISEMENT

"So there is a likelihood that the P3,500 cash allowance on or before the end of the year will be increased to P5,000," ani DepEd Secretary Leonor Briones.

Samantala, patuloy pa rin ang panawagan ng ilang guro na itaas ang kanilang suweldo bukod pa sa dagdag-benepisyo.

Ayon kay Ma. Lory Poli ng Alliance of Concerned Teachers-Iloilo, matagal na nila itong ipinaglalaban.

"Isa sa mga adbokasiya namin ito. Matagal na naming hinihingi sa Pangulo ang pagbigay ng salary increase," aniya.

--Ulat nina Jasmin Romero at Jenette Ruedas, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.