Guro patay sa pananaksak ng estudyante sa Samar | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Guro patay sa pananaksak ng estudyante sa Samar

ABS-CBN News
Published Oct 04, 2022 10:20 PM PHT

Isang araw bago ang "Teacher's Day", pananaksak ng estudyante ang naging sanhi ng pagkamatay ng isang high school teacher sa Basey, Samar.

Nangyari ang krimen madaling-araw nitong Lunes sa boarding house ng biktima sa Barangay Sulod.

Ang biktima ay kinilalang si George Lauron, 32, na guro sa Basey National High School. Ang suspek naman ay isa umanong 19-anyos na senior high school student.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Basey PNP, nag-iinuman ang biktima at ang suspek kasama ang isa pang lalaki nang magkaroon ng argumento ang guro at suspek.

ADVERTISEMENT
Nagalit umano ang estudyante at sinaksak niya sa dibdib ang guro gamit ang isang kutsilyo.

Nadala sa ospital ang biktima ngunit dineklara itong patay na ng mga doktor.

Agad naman sumuko ang suspek sa Basey Municipal Police Station.

Ayon sa Basey PNP, nakatakdang sampahan ngayong Martes ng kasong murder ang suspek.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad ukol sa krimen.—Ulat ni Ranulfo Docdocan