Pinaigting na pagbabawal sa mga tricycle sa highway inalmahan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pinaigting na pagbabawal sa mga tricycle sa highway inalmahan

Pinaigting na pagbabawal sa mga tricycle sa highway inalmahan

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pinaiigting pa ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang kanilang tricycle ban sa mga pangunahing kalsada ng bansa.

Ayon sa kautusang inilabas ng DILG:

"For safety reasons, no tricycle or pedicab should operate on national highways utilized by 4-wheel vehicles greater than 4 tons and where normal speed may exceed 40 kilometer per hour."

Handa naman umanong sumunod ang local government units (LGU) sa utos pero ayon kay Quezon City administrator Aldrin Cuña, maraming posibleng rason kung bakit hindi pa rin ito ganap na maipatupad.

“Malaking boto ang toda so mamumulitika ang ating mga politiko...Boto yan eh. Hindi mo basta mapapaalis 'yan kahit may batas,” ani Cuña.

ADVERTISEMENT

Bukod pa sa politika, wala pa rin kasing malinaw na batas bagkus ay iba-ibang ordinansa ng mga lugar ang pinapatupad kaugnay sa tricycle ban.

Umalma naman ang ilang tricycle driver dahil dito raw sila kumukuha ng kita para sa kanilang mga pamilya.

"Eh transportasyon ng mga maliliit na tao ito eh. Wala kaming pambiling kotse," paliwanag ng tricycle driver na si Greg Erma.

"Kung diyan lang kami sa loob ng bayan [at hindi sa highway] wala kaming kikitain," giit naman ng driver na si Renz Buazon.

Sa datos ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) mula Enero hanggang Setyembre 2018 ay halos 3,000 na ang naitalang aksidente na sangkot ang mga tricycle sa Maynila at 10 sa mga aksidente ay may namatay.

—Ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.