Driver na nakiusyoso sa banggaan, naaksidente rin | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Driver na nakiusyoso sa banggaan, naaksidente rin

ABS-CBN News
Published Oct 04, 2017 09:40 AM PHT
|
Updated Oct 04, 2017 02:38 PM PHT

MANILA - Nagsalpukan ang 3 kotse matapos maki-usyoso ang isang driver sa banggaan ng 2 motorsiklo sa Commonwealth Avenue sa Barangay Holy Spirit, Quezon City, Martes ng gabi.

Tatlo ang nasugatan sa naunang aksidente, kabilang na ang motorcycle rider na si Jimboy Austria, ang driver ng isa pang motorsiklo na si Roberto Bañaga at kaangkas nito na si Juliet Sedentario.

"Bale diretso kami, 'yung isa kumaliwa pa kaya kami nagbanggaan," paliwanag ni Bañaga.

Walang maipakitang lisensya si Austria na nagtamo ng sugat sa kanyang mga paa. Sugat at bali naman sa ibat ibang bahagi ng katawan ang tinamo nila Bañaga at Sedentario.

Habang naghihintay ng ambulansya ang 3 biktima, naki-usyuso ang ilang motorista sa aksidente, kabilang na ang driver ng isang Asian utility vehicle (AUV) na bahagyang huminto.

Hindi naman kaagad nakapreno ang motorsiklo na nasa likuran ng AUV at may 2 sakay kaya bumangga ito sa sinusundang kotse.

Sa lakas ng banggaan, sumalpok ang AUV sa isa pang kotse.

Inamin naman ng driver ng motorsiklo na si Nonie Acquiatan na nakainom siya.

"Kapag nakainom, huwag magmaneho. Sa mga nakikiusyoso, huwag po kayo titigil sa gitna ng kalsada. Tignan nyo ang nangyari," payo ni PO3 Michael Ponce, traffic investigator.

Pinag-aaralan pa ng mga biktima ng ika-2 insidente kung maghahabla o hindi. Ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News