Duterte: US ban sa mga nagpakulong kay De Lima, hilaw pa | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Duterte: US ban sa mga nagpakulong kay De Lima, hilaw pa

Duterte: US ban sa mga nagpakulong kay De Lima, hilaw pa

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 02, 2019 12:19 AM PHT

Clipboard

MAYNILA—Ayaw munang patulan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala ng 2 senador ng Estados Unidos ukol sa travel ban ng mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas na sangkot sa pagpapakulong kay Sen. Leila de Lima.

"I have the best adjective for that pero at this time, I will just… Hilaw pa ‘yan eh. At the --- hilaw pa ‘yan. When it becomes ripe, then I will say my piece," aniya.

Matatandang inihain nina US senators Dick Durbin at Patrick Leahy ang partikular na bill na ito dahil sa umano'y ginagawang panggigipit kay De Lima.

Sabi ng pangulo, hilaw pa ang panukalang ito dahil isa palang itong proposal sa isang komite sa Senado ng Amerika. Dahil dito ayaw muna niyang magbigay ng komento.

ADVERTISEMENT

"I do not deal individually with the congressman or senators there. Hindi pa hinog ‘yan. It is not an act of state. It does not carry the mandate of the entire Senate. So if there is 1 or 2 or 3 who says that these things exist in the Philippines, let them," aniya.

Pero kung sakali mang aprubahan ito sa plenaryo at maging isyu na sa pagitan ng Amerika at Pilipinas, sinabi ng pangulo na roon lang dapat sila mag-usap ni US President Donald Trump.

Wala namang balak si Duterte na pagbawalang pumasok ng Pilipinas ang 2 senador. —Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.