Solano, ikinanta ang mga 'brod', masama ang loob dahil 'iniwan sa ere' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Solano, ikinanta ang mga 'brod', masama ang loob dahil 'iniwan sa ere'

ABS-CBN News
Published Sep 26, 2017 09:21 PM PHT
|
Updated Sep 27, 2017 02:36 PM PHT

Ibinunyag ng pangunahing suspek na si John Paul Solano ang lahat ng kaniyang nalalaman sa pagkasawi ng hazing victim na si Horacio Castillo III.

Mahigit isang oras nangumpisal sa mga senador sa isang pribadong executive session si Solano nitong gabi ng Lunes, Setyembre 25.

Kasama sa pagpupulong sina senador Panfilo Lacson, Bam Aquino, Sherwin Gatchalian, at Migz Zubiri.

Pinangalanan ni Solano ang anim na kasamahan sa Aegis Jvris Fraternity at isa pang indibidwal na naabutan niya sa library ng fraternity noong umaga ng Seytembre 17.

Setyembre 17 nang dalhin ang bangkay ni Horacio III sa Chinese General Hospital.

Kuwento ni Solano, inutusan siya ng isang kasamahan sa fraternity na tingnan ang kondisyon ng noo'y wala umanong malay na si Castillo.

Ayon kay Zubiri, mabigat ang mga impormasyong ibinigay ni Solano ukol sa kaso.

Bakas din umano kay Solano na tila gumaan ang kaniyang pakiramdam matapos ikuwento ang mga nalalaman.

Dagdag pa ni Zubiri, bukas si Solano na maging testigo kapalit ng pag-urong sa kasong murder na isinampa laban sa kanya.

Ikinatuwa ng pamilya Castillo ang pagsulong ng kaso ngayong may mga pangalan na silang maaaring kasuhan na direktang may kinalaman sa hazing.

Ipinangako naman ni Solano na isasapubliko ang laman ng kaniyang affidavit o salaysay.

Hiling ni Solano na iparating ng Senado sa pamilya Castillo ang pakiusap na i-urong ang mga kasong isinampa laban sa kaniya.

Iniwan sa ere
Masama naman ang loob ni Solano dahil pakiramdam niya'y iniwan siya ng mga itinuturing na kapatid sa fraternity nang pumutok ang balita tungkol sa pagkasawi ni Castillo.

Sa homicide section ng Manila Police District (MPD) siya nananatili mula nang sumuko noong Biyernes, Seytembre 22.
Sa homicide section ng Manila Police District (MPD) siya nananatili mula nang sumuko noong Biyernes, Seytembre 22.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Solano, maayos ang kaniyang kondisiyon sa loob kumpara noong umalis siya sa kanilang bahay matapos ang insidente.

Inamin niyang nataranta at nalito siya nang unang madatnan ang katawan ni Solano sa frat library.

Nagulat na rin lang siya nang mapanood ang balitang siya ang itinuturing na pangunahing suspek sa kaso.

Ang ama niyang si Pampilo Solano ang nakaisip na pasukuin ang anak kay Senador Ping Lacson, na dating kasamahan umano ng ama sa Philippine Constabulary.

Kaugnay naman sa ipinapakitang CCTV footage ng pagdala kay Castillo sa ospital, inamin si Solano na siya ang nasa motor.

Itinanggi naman niyang sina Ralph Trangia at amang si Antonio Trangia ang nasa pulang sasakyan.

Ani Solano, hindi niya kilala ang nagmaneho sa sasakyan dahil unang beses niya lang makita ang driver.

Hindi rin matanggap ni Solano nang kasuhan siya kaugnay sa pagkamatay ni Solano.

Umaasa si Solano na makalalabas siya ng piitan matapos maghain ng motion for release ang kaniyang kampo.

Pero ayon sa MPD, wala pang utos ang piskal.
Pero ayon sa MPD, wala pang utos ang piskal.
ADVERTISEMENT
Nilinaw din ng MPD na hindi nangangahulugang walang sala si Solano sakaling makalaya siyang pansamantala kung makapaghain ng piyansa.

Tiniyak din ng MPD na walang espesyal na trato kay John Paul Solano sa loob ng piitan.

Amyendahan ang batas
Iminungkahi naman ng ilang senador na patawan ng mabibigat na parusa ang mga lalabag sa anti-hazing law.

Ayon kay Senador Franklin Drilon, walang katuturan ang pagsagawa ng hazing sa mga fraternity.

Maliban sa habangbuhay na pagkabilanggo, isusulong ng Senado na multahan ng hanggang P3 milyon ang mga masasangkot sa hazing, kabilang ang mga opisyal ng fraternity o sorority.

-- Ulat nina Sherrie Ann Torres, Zyann Ambrosio, at Oman Bañez
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
hazing
Horacio Castillo III
John Paul Solano
Zyann Ambrosio
Sherrie Ann Torres
TV Patrol
TV Patrol Top
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT