SAPUL SA CCTV: 'Bisita' sa barangay hall, tumangay ng TV | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
SAPUL SA CCTV: 'Bisita' sa barangay hall, tumangay ng TV

ABS-CBN News
Published Sep 26, 2017 09:39 PM PHT

Nakuhanan sa CCTV ang pagnanakaw ng isang lalaki sa loob ng barangay hall sa Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City nitong Sabado, Setyembre 23.

Makikita sa video ang isang lalaking umaaligid sa barangay hall.

Makalipas ang ilang sandali, kitang bitbit na niya ang telebisyon ng barangay hall.

Ayon sa mga opisyal ng barangay, may ginaganap na event noon sa function venue ng barangay hall at bisita roon ang lalaki.

Napag-alamang taga-Caloocan ang suspek at nakilala sa alyas na ‘Jenzel’. Hawak na rin ng barangay ang retrato ni Jenzel.

Panawagan ng kapitan ng barangay na si Rodolfo Palma sa suspek, isauli na lamang ang ninakaw niya at sumuko na.

Nanawagan din ang pulisya na itawag sa Quezon City Police District ang anumang impormasyon ukol sa suspek.

Paulit-ulit na nagnakaw
Arestado naman ang isa pang lalaking nanloob sa isang bahay sa Barangay Bagong Lipunan ng Crame, Quezon City.

Nakuhanan pa sa CCTV ang suspek habang naglalakad hanggang sa umakyat siya sa bakod ng isang bahay.
Nakuhanan pa sa CCTV ang suspek habang naglalakad hanggang sa umakyat siya sa bakod ng isang bahay.
ADVERTISEMENT
Ilang minuto pa ang lumipas, may bitbit na siyang clutch bag at natangay na pala ang pera, wallet, at relo ng isang residente.

Pero dahil naalarma ang mga tanod sa nangyari, naaktuhan nila ang parehong suspek na naglalakad muli nitong Lunes, Setyembre 25, sa kanilang lugar.

Anila, tila naghahanap ulit siya ng mabibiktima kaya sinita nila at dinala sa barangay hall.

Nakaharap naman ng suspek ang kaniyang biktima ngunit hindi na itinuloy ang kaso kaya nakalaya muli ang lalaki.

-- Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT