Publiko pinag-iingat vs 'Drop Your Beautiful Son, Daughter' challenge | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Publiko pinag-iingat vs 'Drop Your Beautiful Son, Daughter' challenge

Publiko pinag-iingat vs 'Drop Your Beautiful Son, Daughter' challenge

ABS-CBN News

Clipboard

Nagbabala ang pulisya at ang isang child welfare group laban sa mga nauusong challenge sa social media, kabilang na ang nauusong "Drop Your Beautiful Daughter" at "Drop Your Beautiful Son" challenge.

Para sa grupong Save the Children Philippines, puwedeng maging daan ito para madaling ma-access ng mga sexual predator ang mga retrato ng mga anak ng social media user na nagpo-post.

"Kahit hindi sexual in nature at walang malice in posting those photos, may predators na ginagawa nila ay to compile these photos... They can actually use it for exploitative purpose. They can edit the photos and make it seem na bastos ang kalalabasan,” ani April Correa, SaferkidsPH Coordinator ng Save the Children Philippines.

Paliwanag pa ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime group, sa pamamagitan ng mga hashtag nalilikom at napi-filter ang mga post.

ADVERTISEMENT

At kapag naka-public ang post, nakikita ito ng lahat, pati na ng mga masasamang loob.

"People with malicious intentions online... Those with evil minds. Puwede niyang i-filter itong beautiful daughters by going to the hashtag and meron na siyang listahan ng mga puwede niyang ma-exploit na pictures ng child, especially kung publicly uploaded," ani Police Maj. June Paolo Abrazado ng PNP Anti-Cybercrime Group.

Paalala ng Save the Children Philippines at PNP sa mga magulang na huwag ibigay ang mga personal na detalye at limitahan ang posts sa mga kakilala lamang.

Bantayan din dapat ang online activity ng mga anak.

— Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.