Pamilyang nasapul ng road widening project di pa rin nababayaran ng gobyerno | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pamilyang nasapul ng road widening project di pa rin nababayaran ng gobyerno

Pamilyang nasapul ng road widening project di pa rin nababayaran ng gobyerno

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 21, 2019 08:36 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — May karapatan ang gobyerno na kuhanin ang isang pribadong lupa kung ito ay gagamitin sa mahalagang pampublikong proyekto sa ilalim ng tinatawag na "expropriation."

Pero ang isang pamilya sa Sta. Rosa City, Laguna na nasapul ng road widening project noong 2014, umaaray dahil hindi pa rin nila nakukuha ang bayad na ipinangako ng gobyerno.

Kuwento ni Eunice Alano-Lozano, pumayag sila sa alok ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na bayad para sa expropriation ng 25 square meters ng lupa.

Pero ang masaklap, tiniis na nga nila ang abala at nagsumite ng requirements para mabayaran, kinailangan pa nilang maghintay nang matagal.

ADVERTISEMENT

"Karapatan namin ito kasi hindi kami squatter, may titulo kami, nakumpleto namin 'yung hinihingi nilang requirements. Sana naman pansinin nila kami," hinaing ni Lozano.

Sinulatan ng "Tapat Na Po" ang DPWH at agad naman nilang pinuntahan ang mga complainant.

Nagkasundo na sila sa bayad at hinihintay na umano ngayon ang pondo galing sa central office ng ahensiya.

Hindi nagbigay ng eksaktong petsa kung kailan maibibigay ang bayad na hinihintay ng pamilya pero aantabayanan ng Tapat Na Po ang update.

Sa mga konsumer na nais magpadala ng reklamo, mag-post lang sa Facebook page ng Tapat Na Po.

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.