Mahigit P7-M halaga ng shabu nasabat sa Clark airport | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mahigit P7-M halaga ng shabu nasabat sa Clark airport

ABS-CBN News
Published Sep 17, 2021 12:08 AM PHT

Nasabat ng Bureau of Customs at Philippine Drug Enforcement Agency sa Clark International Airport nitong Martes ang limang pakete ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P7.4 milyon na itinago sa loob ng isang electric airpot flask.

Galing sa Lilongwe, Malawi ang shipment na idineklarang "flask" pero inalerto ito ng Enforcement and Security Service (ESS) - Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF) matapos makatanggap ng impormasyon na may nakatagong droga sa kargamento.

Matapos makita ang kahina-hinalang bagay sa x-ray inspection, agad isinailalim sa physical examination ang kargamento kung saan tumambad ang limang pakete ng shabu na kinumpirma ng PDEA sa kanilang laboratory examination.

Naglabas na ng warrant of seizure and detention laban sa kargamento si Port of Clark District Collector Alexandra Lumontad at inilipat na nila sa PDEA ang kustodiya ng mga pakete ng shabu.

- ulat ni Angelo Andrade
Read More:
Clark International Airport
Bureau of Customs
Philippine Drug Enforcement Agency
PDEA
BOC
shabu
ilegal na droga
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT