Mga magsasaka, idinaing ang pananalasa ni Ompong sa kabuhayan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga magsasaka, idinaing ang pananalasa ni Ompong sa kabuhayan

ABS-CBN News
Published Sep 17, 2018 04:21 PM PHT
|
Updated Sep 17, 2018 09:24 PM PHT

MAYNILA -- Idinaing ng mga magsasaka ng palay sa lalawigan ng Cagayan ang mabigat na pinsalang iniwan ng bagyong Ompong sa kanilang kabuhayan.

Tinatayang nasa P4.6 bilyon ang halaga ng pinsalang idinulot ng Ompong sa sektor ng agrikultura ng Cagayan, na isa sa mga lalawigang direktang dinaanan ng bagyo.

Marqui Baliuag, rice farmer: Useless na yung ganyan, parang pataba lang. Malaking krisis sa amin na magsasaka wala kami pagkukuhaan na panggastos. pic.twitter.com/uzdpxp3ae2
— Kevin Manalo (@kevinmanalo_) September 17, 2018

Ayon sa magsasakang si Marqui Baliuag, nasa P150,000 ang halagang nawala sa kaniya dahil sa pananalasa ng bagyo.

Aanihin pa rin umano ni Baliuag ang "patay na palay" sa kanilang tatlong ektaryang palayan para alagaan ang lupa at makapagtanim ng bagong palay roon.

Samantala, ang ilang magsasaka sa bayan ng Solana ay nag-iisip nang ibenta ang kanilang lupa at magtrabaho na lang sa ibang bansa.

Kuwento naman ni Juliana Guittu, na may taniman ng mais, hindi na siya nakakatulog nang maayos kakaisip sa halaga ng pinsalang idinulot ng bagyo.

"'Wag lang sana masiraan ng bait," ani Guittu.

Nagdeklara na noong Linggo ng state of calamity sa lalawigan upang mapabilis ang paglabas ng pondo para sa rehabilitasyon at maipako ang mga presyo ng bilihin.

Nangako naman si Cagayan Governor Manuel Mamba na tutugunan sa lalong madaling panahon ang problema sa agrikultura.
Nangako naman si Cagayan Governor Manuel Mamba na tutugunan sa lalong madaling panahon ang problema sa agrikultura.
ADVERTISEMENT
Iniisip umano nilang magbigay sa mga magsasaka ng mga libreng buto ng gulay na maaari nilang itanim.

'OMPONG, MAS MAPANIRA KAY LAWIN'
Malawak din ang iniwang pinsala ng Ompong sa bayan ng Baggao, kung saan ito nag-landfall noong madaling araw ng Sabado.

Ayon kay Baggao Mayor Leonardo Pattung, higit 20,000 pamilya sa bayan ang naapektuhan ng bagyo.

Karamihan sa mga ito ay wala umanong mauwian dahil tinangay ng malalakas na hangin ang kanilang mga bahay.

Ayon pa kay Pattung, mas malakas man ang bagyong Lawin na tumama sa kanila noong 2016, mas mapanira naman ang Ompong.

"'Yong mga dating bahay, mga infrastructure na hindi nasira ng Lawin, ngayon sira," aniya.

Agrikultura rin ang kabuhayan ng ilan sa mga residente ng Baggao kaya maging sila ay namomroblema kung paano magsisimula ulit.

"Parang namatayan kami kasi pagdating namin dito, wala na. Nawalan kami ng pag-asa pero sana may tumulong sa amin," anang residenteng si Rona Dapitan.

'KURYENTE DI AGAD MAIBABALIK'
Samantala, posibleng abutin ng isang buwan bago maibalik ang normal na suplay ng kuryente sa ilang lugar na sinalanta ng Ompong sa hilagang Luzon.

Nasa tatlo hanggang limang araw naman ang pinakamaagang panahon para maibalik ang kuryente.
Nasa tatlo hanggang limang araw naman ang pinakamaagang panahon para maibalik ang kuryente.
ADVERTISEMENT
Sa tala ng National Electrification Administration (NEA), 14 na kooperatiba na nakakasakop sa 12 lalawigan ang napuruhan ng Ompong kaya hindi raw ora-oradang maibabalik ang suplay.

"May ibang cooperative, it would take them around 31 days. The rest would be earlier, for the important establishment, it would take three to five days," ani NEA deputy administrator Nikki Tortola.

Puspusan naman ang pag-aayos ng Globe at Smart sa mga linya ng komunikasyon sa mga lugar na tinamaan ng bagyo.-- Ulat nina Kevin Manalo, Jeff Canoy, at Alvin Elchico, ABS-CBN News