Ilang DOH encoders 4 buwan nang di napapasahod: 'Taghirap talaga lahat' | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang DOH encoders 4 buwan nang di napapasahod: 'Taghirap talaga lahat'

Ilang DOH encoders 4 buwan nang di napapasahod: 'Taghirap talaga lahat'

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 18, 2020 09:45 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Nagreklamo ang ilang empleyado ng Department of Health (DOH) dahil ilang buwan na silang walang suweldo at ang ilan ay patapos na ang kontrata pero wala pa ring natatanggap.

Desperado na ang ilan dahil 3 hanggang 4 na buwan na umano silang walang suweldo.

Nag-umpisa sila sa pagtawag sa mga posibleng contact ng COVID-19 cases at ngayon ay nag-e-encode ng data mula sa mga laboratoryo matapos ilipat sa mga lokal na pamahalaan ang trabaho ng contact tracing.

Si alyas "Marie," wala nang maipadalang pera sa kanyang mga anak sa probinsiya.

ADVERTISEMENT

"May mga anak akong pinapadalhan sa province. May nanay. Nagbabayad pa ng upa sa tinitirahan dito... Akala namin isang buwan lang o isa’t kalahati lang pero habang tumatagal... Ilang buwan na wala pa rin sahod," ani Marie.

"Pandemic nga eh, taghirap talaga lahat. Sana maintindihan nila 'yung ganung sitwasyon," dagdag ni Marie.

Ang masaklap nito, abonado pa sila sa pantawag noong mga unang buwan na tumutulong pa sila sa contact tracing.

"Wala kang income, sa'n mo kukunin panggastos mo sa pag-call... Walang dumarating. Sabi nila call card na lang ibibgay nila pero wala din updates regarding du'n," ani Marie.

Ang kanyang kasamahan na si alyas "Alex" naman, nauwi na sa pangungutang.

"Kapagka walang pang-load o connection, inuutang po bukod sa expenses sa bahay... Sana maintindihan nila na kaya namin tinake yang trabaho nangangailangan kami," ani Alex.

Nakiusap ang dalawa na 'wag nang ilabas ang kanilang mukha at pangalan sa takot na mawalan ng trabaho lalo’t patapos na rin ang kanilang kontrata at walang malilipatan.

Ayon sa kanila, marami pa silang kasamahan na may contract of service sa ilalim ng epidemiology bureau ng DOH na hindi pa sumesuweldo.

Nakausap rin ng ABS-CBN News ang isa pang empleyado ng DOH sa ibang unit na isang buwang suweldo pa lang ang nakuha at wala pang kasiguruhan kung kailan darating ang para sa mga susunod na buwan.

Sinabi rin niya na bagama't tinutulungan na sila ng kanilang supervisor ay mukhang ang admin at human resources staff ang may problema dahil hindi maagap ang pakikipag-ugnayan sa kanila.

Ayon sa DOH, na-delay ang mga suweldo dahil sa mga kulang na requirements ng mga empleyado

"They are doing their work at home. So 'yun pong mga proseso na kailangan nila magbigay ng mga requirements nila ay hindi po natin agad napapatupad... Doon sa side ng central office dahil marami rin po ang naka-quarantine o kaya nagwo-work from home, meron pong mga minsang mga delays because of that," ani DOH spokesperson Maria Rosario Vergeire.

Pero ayon sa mga empleyado, matagal nang kumpleto ang mga dokumento nila.

Ayon sa DOH, pinapabilis naman nila ngayon ang proseso ng suweldo ng mga empleyado.

"We have already created a team to specifically focused on this and our objective is for the encoders to have their salaries in these next weeks," ani Vergeire.

Ayon kay Marie, matapos maibalita ang delay sa kanilang sahod, sinabihan sila na bibigyan na lang muna ng "backpay voucher" ang mga patapos na ang kontrata bilang pangako na mababayaran din sila.

Umaasa pa rin silang makasuweldo at makapagpatuloy sa trabaho lalo na at may pandemya.

—Ulat ni Kristine Sabillo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.