ALAMIN: Parusa sa nagkakalat ng pekeng balita tungkol sa bagyo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Parusa sa nagkakalat ng pekeng balita tungkol sa bagyo

ABS-CBN News
Published Sep 14, 2018 06:05 PM PHT
|
Updated Jan 27, 2020 03:04 PM PHT

Ano ang parusang naghihintay sa nagpapakalat ng maling balita at nananakot sa mga tao sa mga pagkakataong tulad ng malalakas na bagyo?

Alinsunod ito sa Free Mobile Disaster Alerts Act, kung saan ipinagbabawal ang pagpapakalat ng pekeng balita tungkol sa mga kalamidad, tulad ng bagyo, nahaharap sa posibilidad ng kulong at multa ang mga nagpapakalat ng mali at nakakatakot na balita.

Ito ang tinalakay sa "Usapang de Campanilla" nitong Huwebes.

Bukod sa pagmamandato sa National Risk Reduction Management Coordinating Council (NDRRMC) na mangasiwa ng early warning system para sa mga cellphone users, saklaw din ng batas na ito ang pagpapakulong at pagpapataw ng multa sa nagkakalat ng pekeng balita tungkol sa kalamidad, tulad ng bagyo.

Kinakailangang magbigay-abiso ang mga telecommunication companies sa kanilang sineserbisyuhan tungkol sa mga paparating na sakuna.

"Halimbawa may bagyo o pumutok ang bulkan... (sinasabi nilang) 'yung impormasyon, 'yung kaalaman, ay kaligtasan. Ibig sabihin, nalalagay sa panganib ang mga tao sa maling impormasyon," ani Atty. Noel Del Prado.

Dalawa hanggang 6 buwang pagkakakulong, at P1,000 hanggang P10,000 na multa ang sasalubong sa mga taong magkakalat ng pekeng balita.

Nasa P1 milyon hanggang P10 milyong multa, at suspensiyon ng prangkisa ang maaaring ihatol sa mga malalaking kumpanya na mapapatunayang nagkakalat ng pekeng balita tungkol sa mga kalamidad.

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Usapang de Campanilla
DZMM
Batas Kaalaman
Noel Del Prado
kalamidad
Free Mobile Disaster Alerts Act
pekeng balita
fake news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT