16 anyos na taga-Caloocan, natagpuang naaagnas, nakagapos, nakasako sa Bulacan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
16 anyos na taga-Caloocan, natagpuang naaagnas, nakagapos, nakasako sa Bulacan

ABS-CBN News
Published Sep 14, 2017 08:40 PM PHT
|
Updated Sep 14, 2017 10:38 PM PHT

Positibong tinukoy ng mga magulang ang binatilyo, pero hindi pa nila maiuwi ang bangkay.

Naaagnas na ang katawan ng isang binatilyo nang matagpuan ng mga nangangalakal ng basura sa Barangay Gaya-Gaya sa San Jose del Monte, Bulacan nitong Miyerkoles, Setyembre 13.

Isinilid ang biktima sa sako at nakagapos pa ng nylon cord ang kaniyang mga kamay.

Kinilala ng ginang na si Genevie Remecio ang bangkay na ang 16 anyos na anak na si Michael.

Nakilala ng mga magulang ang anak sa pamamagitan ng suot niya at mga peklat sa kaniyang likod.
Nakilala ng mga magulang ang anak sa pamamagitan ng suot niya at mga peklat sa kaniyang likod.
ADVERTISEMENT
Anila, Agosto 26 nang hindi na makauwi si Michael sa bahay nila sa Barangay 176, sa Bagong Silang, Caloocan mula sa pamamasada ng tricycle buong gabi.

Kaya naman nagpakalat ang pamilya ng poster at nag-post din sa social media.

Ayon sa ina, nag-drop out si Michael sa high school noong nakaraang taon matapos umanong ma-bully ng mga miyembro ng isang fraternity.

Umiinom at naninigarilyo daw si Michael pero walang bisyong ilegal na droga.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, posibleng inanod ang itinuturong katawan ni Michael sa sapa ng San Jose del Monte noong bumagyo.

Hiling ng pamilya na mabigyang linaw at hustisya ang pagkamatay ng anak.

Nagsasagawa na ng DNA test ang Bulacan Police Provincial Office para matiyak ang pagkakakilanlan ng bangkay.

Hindi pa rin maiuwi sa Caloocan ng mga magulang ang bangkay dahil hinihintay pa ang resulta ng autopsy para malaman ang tunay na ikinamatay ng binatilyo.

Gustuhin man ng mag-asawang Remecio na maiburol na ngayon ang labi ng kanilang anak, kailangan nilang maghintay para sa resulta ng autopsy para na rin sa death certificate ng binatilyo.

Ayon sa mga magulang, kailangan nila ang death certificate para makahingi rin ng tulong pinansiyal sa pagpapalibing sa kanilang anak.

-- Ulat nina Vivienne Gulla, Jeck Batallones, at Oman Bañez, ABS-CBN News.
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
TV Patrol
TV Patrol Top
Vivienne Gulla
Jeck Batallones
krimen
balita
binatilyo
Caloocan
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT