Ilang NCR LGU nagbukas na ng COVID vaccination registration para sa mga kabataan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang NCR LGU nagbukas na ng COVID vaccination registration para sa mga kabataan

Ilang NCR LGU nagbukas na ng COVID vaccination registration para sa mga kabataan

Vivienne Gulla,

ABS-CBN News

Clipboard

Nagbibisikleta ang ilang mga bata malapit sa Marikina River sa Marikina City noong Hulyo 13, 2021.
Nagbibisikleta ang ilang mga bata malapit sa Marikina River sa Marikina City noong Hulyo 13, 2021. Mark Demayo, ABS-CBN News/File

MAYNILA - Nadagdagan pa ang mga LGU sa Metro Manila na nagbukas na ng registration para sa COVID vaccination ng mga edad 12 to 17 anyos, bilang paghahanda sakaling payagan na ng national government ang pagbabakuna sa kanila.

Nag-anunsyo ang Mandaluyong City government nitong Linggo na pwede nang i-rehistro ng mga magulang o guardian ang mga batang residente na pasok sa naturang age group sa website ng MandaVax.

“Para ‘pag nag-go signal na ang DOH and may vaccine na, ready na ang list namin,” ani Mandaluyong Mayor Menchie Abalos.

Online din ang registration ng mga menor de edad 12 anyos pataas na gustong pabakunahan kontra COVID ng magulang o guardian sa Makati City.

ADVERTISEMENT

Pero para sa mga walang gadget o internet, may umiikot na jeep kung saan pwedeng magpalista.

“Doon pa rin po sa portal namin, Makati residents, non-voter, doon po sila magre-register. At ima-masterlist lang po muna namin sila. Kasi sa ngayon po, wala pa namang allocation ng vaccines, and wala pa rin pong go-signal ng national na magsimula na po tayo,” ani Makati Health Department assistant head Dr. Roland Unson.

Sa lungsod ng Maynila, higit 14,800 na ang naka-rehistro para magpabakuna kontra COVID-19, mula sa nasa 210,000 na mga batang edad 12 hanggang 17. Pwede ring magpa-lista sa barangay, kung walang access sa online registration.

“Magparehistro na po sila sa ating www.manilacovid19vaccine.ph, at nang sa ganoon po, ‘pag dumating ‘yung panahon na in-allow na tayo ng IATF o DOH na magbakuna na po sa mga edad na ganito, naka-handa na po sila,” ani Manila Health Department Chief Dr. Arnold Pangan.

Bukas na rin ang registration para sa mga batang edad 12 hanggang 17 anyos sa Taguig City, sa pamamagitan ng pag-scan sa QR code o sa trace.taguig.gov.ph.

ADVERTISEMENT

Ganood din sa Muntinlupa City.

“Mayroon kaming link under Muncovac … They will have to register. On the day itself, the minor will have to bring his or her parent, kasi kailangan may consent on the spot,” ayon kay Tez Navarro ng Muntinlupa PIO.

Sa lungsod ng Caloocan, inilunsad nitong weekend ang online profiling kung saan pwedeng magpalista ang mga edad 12 hanggang 17 anyos na interesadong magpabakuna. Bisitahin lang ang link na bit.ly/Caloocan_profiling17.

“Ito ay bahagi ng paghahanda ng ating lokal na pamahalaan sa panahong payagan na ang pagbabakuna sa nasabing age group,” ani Caloocan Mayor Oscar Malapitan sa kaniyang Facebook post.

Para mapabilis ang profiling, sinabi ni Malapitan na gagawin din ito sa mga eskwelahan.

ADVERTISEMENT

Magkakaroon ng papel ang mga guro sa pagbuo ng masterlist ng mga babakunahang estudyante. Sasagutan ng mga magulang o guardian ang consent form na ipapasa sa mga guro.

“Bagamat hinihikayat, ito ay boluntaryo at hindi pipilitin ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak,” sabi ng alkalde.

Sa Quezon City, nakikipag-ugnayan din ang lokal na pamahalaan sa mga paaralan at barangay para makakuha ng masterlist ng mga edad 12 hanggang 17 anyos.

“We are now coordinating with public and private schools in the city to get a masterlist of students, 12-17 years old. The idea is to put up vaccination sites in these private and public schools,” ani QC Vax to Normal Task Force co-chair Joseph Juico.

“For those out-of-school youths, home schooling and youths studying outside of the city, we are relying on the barangays who are now doing a census in their areas of responsibility,” dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Sa Pateros, halos 2,000 o 20% na ng nasa 10,000 bata ang nagpa-rehistro, ayon kay Mayor Ike Ponce. Noong nakaraang linggo, sinimulan ang registration sa munisipalidad para sa COVID vaccination ng naturang age group.

Ayon kay National Task Force against COVID-19 deputy chief implementer Vince Dizon, nag-aantay pa sila ng rekomendasyon kung kailan pwedeng simulan ang pagbabakuna kontra COVID ng mga bata.

Naka-depende ito sa pagdating ng mas maraming suplay ng Moderna at Pfizer vaccines, dahil ito pa lang ang may emergency use authorization para magamit sa naturang age group sa Pilipinas.

Sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na rekomendasyon ng health experts na unahin muna ang mga edad 18 anyos pataas.

Pero kung itataas aniya ang target para sa herd immunity sa 80 hanggang 90 percent ng populasyon, mahalagang mabakunahan din ang mga menor de edad para maabot ito.

ADVERTISEMENT

“Pagka-natapos na ‘yung 18 and above, we can proceed with 17 and below... Pero sa ngayon, nagfo-forward looking tayo. Nagkakaroon tayo ng registration kasi part ng 70% at 80% (target) ay talagang children eh. Kasi 70 million lang ang ating population ng 18 and above. If we will want to upgrade ‘yung scale of herd immunity to 80 to 90%, we need to vaccinate more or less 20 million from the adolescent and the pediatrics,” ani Galvez.

Aniya, kapag pinayagan na ang pagbabakuna ng mga may edad 12 hanggang 17 anyos, uunahin ang mga dependent ng A1 o health workers, at mga may comorbidity.

Samantala, pinag-aaralan pa rin ang panukalang COVID booster doses.

Pero nakikita ni Galvez na posibleng masimulan itong ibigay sa health workers bandang katapusan ng Oktubre o Nobyembre.

“Pinag-aaralan pa rin. Pinagdidiscuss-an pa rin, kasi ang pagkakasabi nga ng WHO, kailangan mayroong sizeable amount, percentage o threshold na lahat ng tao natin na-vaccinate na. Sa ngayon based sa data, ‘yung ating vaccines are still holding on,” aniya.

KAUGNAY NA ULAT

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.