Molecular lab sa Pasig City, pasado sa certification test | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Molecular lab sa Pasig City, pasado sa certification test

Molecular lab sa Pasig City, pasado sa certification test

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Pasado na para makapag-operate ang molecular laboratory ng Pasig City para makapagsagawa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) tests, ayon kay COVID-19 testing czar Vince Dizon.

Nasa Pasig City Children’s Hospital ang molecular laboratory na kayang makapagsagawa ng polymerase chain reaction (PCR) testing at enhanced chemiluminescence immunoassay (ECLIA) testing.

Sa pagpupulong ng mga miyembro ng Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) Team at mga lokal na opisyal ng pamahalaan ng Pasig, Biyernes inanunsyo ni Dizon na mabilis na nakapasa sa laboratory certification ang molecular lab ng lungsod.

"I just want to congratulate Mayor Vico Sotto and the entire Pasig team dahil po ’yung laboratory niyo… Ay pumasa na. Congratulations po. At hindi lang pumasa… Ang Pasig po one-take,” ani Dizon.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Dizon, posibleng mailabas na ang lisensya ng laboratoryo mula sa Department of Health sa susunod na linggo at masimulan na agad ang operasyon nito.

Nakikita ni Pasig City Administrator Atty. Jeronimo Manzanero na mahalaga ang laboratoryo para sa pagpapaigting ng mga hakbang sa lungsod kontra COVID-19.

"So by next week puwede na kaming mag-test at itong molecular lab na ito ay hindi lamang pang-Pasig, para din sa national government para makatulong din po kami sa mass testing campaign,” ani Manzanero, city administrator ng Pasig.

"It will be very, very important kasi itong testing talaga is one of the key ingredients (to combat COVID-19)," dagdag ni Manzanero.

-- Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.