LGUs kani-kaniyang hanap ng pera pang-COVID-19 cash aid sa 2021 | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
LGUs kani-kaniyang hanap ng pera pang-COVID-19 cash aid sa 2021

ABS-CBN News
Published Sep 10, 2020 07:56 PM PHT

MAYNILA - Magpapatupad ng kani-kaniyang mga programa ang ilang local government units (LGU) para mabigyan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) cash aid ang kanilang mga nasasakupan sa susunod na taon.

Ito ay matapos mabanggit ng gobyerno na wala nang ilalaang pondo para sa social amelioration program -- ang cash aid program ng gobyerno -- ngayong pandemya pa rin.

Magsusulong ng kani-kaniyang programa at maglalaan ng pondo ang ilang LGU, gaya ng Quezon City, San Juan City, at Marikina City para matulungan ang mga umaaray na residente ngayong nagpapatuloy pa rin ang COVID-19 pandemic.

Sa Quezon City, naglaan din ng pondo ang LGU para sa cash aid, pero sinabi nila na hindi ito kasinglaki ng inilaan noon na P8,000 ng national government, alinsunod sa SAP, ayon sa alkaldeng si Joy Belmonte.

ADVERTISEMENT
"Sa 2021 marami pa rin tayong mamamayan na wala pa ring trabaho o di pa magbubukas ang mga negosyo," ani Belmonte.

"Naglaan kami ng pondo, bagamat hindi P8,000 katulad po ng ng National Government, sa programa naming 'Kalingang QC' para sa vulnerable sectors ay amin pa rin pong ipagpapatuloy sa 2021," ani Belmonte.

Ipagpapaliban naman ng San Juan LGU ang mga proyektong "hindi muna ganoong ka-importante" kumpara sa kakailanganin para sa COVID-19 response, ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora.

Ang Marikina naman, dinagdagan ang budget para sa ayudang ilalaan sa kanilang mga residente.

"In-increase namin ng 4 na beses ang budget for Social Welfare and Social Amelioration. So magkakaroon ng Social Amelioration Program at the local level,” ani Marikina Mayor Marcy Teodoro.

Sa pagdinig sa Senado noong Miyerkoles, sinabi ni Budget Secretary Wendel Avisado na mga regular program lamang ng Department of Social Welfare and Development - ang nangangasiwa sa pamamahagi ng SAP - ang pinaglalaanan ng pondo sa 2021 National Budget.

Depensa naman ng Malacanang, wala na umano kasing masyadong limitasyon sa paghahanapbuhay dulot ng lockdown pagdating ng susunod na taon.

"Tapos na ang pagbibigay ng ayuda dahil hindi na po natin plano ang malawakang lockdowns. Mula nitong araw na ito inilunsad natin ang bago nating kampanya na pinangalanang 'Ingat Buhay para sa Hanapbuhay,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

-- Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
TV Patrol
COVID-19
cash aid
COVID-19 cash aid
social amelioration program
SAP
pandemic cash aid
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT