3 babae nasagip mula sa prostitusyon sa Maynila | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
3 babae nasagip mula sa prostitusyon sa Maynila

ABS-CBN News
Published Sep 10, 2020 05:46 PM PHT
|
Updated Sep 10, 2020 08:11 PM PHT

MAYNILA - Tatlong babae ang nasagip ngayong Huwebes ng National Bureau of Investigation (NBI) mula sa umano'y prostitusyon sa isang entrapment operation sa Maynila.

Agad hinuli ng NBI Anti-Human Trafficking Division ang umano'y bugaw na si Christian Domingo matapos nitong tanggapin ang pera sa entrapment na nangyari sa tabi ng isang hotel sa Ermita.

Pinangakuan umano ni Domingo ang mga biktima na makatatanggap ang mga ito ng tig-P3,000 bayad mula sa mga kostumer.

Pero iginiit ni Domingo na tumutulong lang siya sa mga nangangailangan ng pera at trabaho ngayong may pandemya.

ADVERTISEMENT
Pero ayon kay NBI Anti-Human Trafficking Division chief Janet Francisco, hindi solusyon ang prostitusyon dahil pananamantala ito sa kahirapan ng iba.

Delikado rin ito ngayong may pandemya dahil maaaring magkahawahan ng COVID-19 o sexually-transmitted disease, ani Francisco.

Kulong si Domingo sa kasong human trafficking, habang mananatili muna sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development ang mga nasagip na biktima.

— Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
National Bureau of Investigation
krimen
NBI
entrapment operation
prostitution
pambubugaw
COVID-19
COVID-19 pandemic
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT