Duterte walang balak humingi ng emergency powers para solusyonan ang trapik sa Kamaynilaan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Duterte walang balak humingi ng emergency powers para solusyonan ang trapik sa Kamaynilaan

ABS-CBN News
Published Sep 10, 2019 11:36 PM PHT

MAYNILA—Wala nang balak na humiling ng emergency powers sa Kongreso si Pangulong Rodrigo Duterte para solusyunan ang trapik.

Nanggaling na mismo sa pangulo na wala siyang nakikitang dahilan para humihingi ng emergency powers sa Kongreso para matugunan ang matinding trapik, lalo na sa EDSA.

Kuwento ng pangulo, noong nagsisimula ang kaniyang administrasyon, nakita niyang malaki ang kailangang gawin sa EDSA at hindi maaaring idaan sa normal na bidding at iba pang proseso ang solusyon sa trapik.

Nais niya aniya ng emergency powers gaya ng ibinigay noon kay dating Pangulong Fidel Ramos at Benigno Aquino III, pero nang matalakay ito sa Kongreso, napakinggan niya na tinututulan ito ng ilang senador.

Ngayon, wala na siyang balak na humingi pa ng emergency powers gayong alam din niyang hindi niya masosolusyunan ang trapik sa natitira niyang panahon bilang pangulo.

Sabi niya, sakaling tumakbo muli sa politika ang isang senadora na humaharang aniya sa emergency powers niya, sisingilin na lang aniya niya ito sa problema ng trapik.

Samantala, inutos naman ni Duterte sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Highway Patrol Group (HPG) na tulungan na ang mga ambulansiya na may dalang pasyente na makalusot sa trapik.

Maglalabas siya ng utos para imandato ito sa MMDA at HPG.—Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News