Delivery closed van tumagilid, bumagsak sa mga bus barrier sa EDSA Mandaluyong | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Delivery closed van tumagilid, bumagsak sa mga bus barrier sa EDSA Mandaluyong

Delivery closed van tumagilid, bumagsak sa mga bus barrier sa EDSA Mandaluyong

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Nawasak ang pitong concrete barrier sa EDSA bus lane sa Mandaluyong nang matamaan at mabagsakan ng isang closed van na may kargang kahon-kahon ng mga diaper Miyerkoles ng madaling-araw.

Nayupi ang bumper at napilas ang bahagi ng bubong ng closed van nang tumagilid sa southbound lane sa bahagi ng Brgy. Wack-Wack bandang ala-1:30.

Magde-deliver umano ito ng mga diaper sa Cavite mula sa isang bodega sa Bulacan. Kinilala ang driver na si Christian San Esteban.

Ayon sa pahinanteng si Dondon Rivero, nabangga sila sa likuran ng isang dump truck na mag-o-overtake noon sa kanila.

ADVERTISEMENT

Kuwento naman sa pulisya ng isang motorista, nakita niyang nagkakarerahan ang dump truck at isa pang kasama nitong dump truck bago nasagi ang closed van.

Pero itinanggi ng driver ng dump truck na si John Denmark Antonio na nagkakarerahan sila. Sabi niya, nabulaga ang driver ng natamaan na lang ang kanyang sasakyan sa gilid nang tumagilid na ang closed van.

Mga contractor ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga dump truck na patungo sa clearing operation sa Pasay City.

Sinubukang paangatin ng tow truck ng MMDA nang ilang beses ang closed van. Binawasan pa ang laman nitong mga kahon at nagpalit ng mas malaking tow truck bago naiangat pasado alas-3.

Halos 2 oras nakaantala sa daloy ng sasakyan ang pagtagilid ng van.

Iniimbestigahan pa ng Mandaluyong Police ang insidente. Aalamin din ng MMDA ang pananagutan ng mga sangkot sa nasirang mga barrier.

KAUGNAY NA ULAT

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.