Seguridad sa Baguio, pinaigting dahil sa mga riot | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Seguridad sa Baguio, pinaigting dahil sa mga riot

Seguridad sa Baguio, pinaigting dahil sa mga riot

Melinda Ramo,

ABS-CBN News

Clipboard

BAGUIO – Pinaigting ng pulisya ang seguridad dito, matapos ang nagdaang insidente ng riot at suntukan sa lungsod noong nakaraang linggo.

Ayon sa mga pulis ng Baguio City Police Office (BCPO) Station 7, madalas na silang rumuronda sa Harrison Road, Session Road, Assumption Road, Mabini Street, General Luna Street, at Post Office Loop, lalo na sa madaling araw, sa oras ng labasan ng mga call center agent sa opisina.

"Kailangan po ang police presence dito sa area namin, para ma-prevent ang mga nangyayaring bugbugan," sabi ni PO2 Dines Basconcillo.

Bukod sa pagronda, nagtayo na rin ang mga pulis ng mga checkpoint upang bantayan ang mga kalsada.

ADVERTISEMENT

Ayon kay SPO4 Joel Pay-an ng Station 9, sa kanilang estasyon ay tatlong beses sa isang araw silang mag-inspeksiyon sa iba’t ibang puwesto, para mahuli ang mga motorsiklong walang lisensiya, mga truck na sumusuway sa truck ban, at para makatulong sa pagsugpo ng krimen.

Noong Martes, 2 ang sugatan sa rambol ng 2 grupo ng mga lalaki sa Session Road. Ang magulong alitan ay nagsimula umano sa “trip” ng isang grupo na sundan ang isang lalaki pauwi mula sa inuman.

Noong Huwebes naman ay natagpuan ang bangkay ni Vaughn Carl Dicang, isang 17 anyos na grade 12 student, sa creek malapit sa Balabac-Bakakeng Road.

May isang linggo nang hinahanap ng pamilya si Dicang, na huling nakita kasama ng mga kaibigan noong Setyembre 1.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.