'VaxCertPH': Soft launch ng portal para sa digital COVID-19 vaccine certificate, inilunsad | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'VaxCertPH': Soft launch ng portal para sa digital COVID-19 vaccine certificate, inilunsad

ABS-CBN News
Published Sep 06, 2021 07:35 PM PHT

MAYNILA - Nag-soft launch ngayong Lunes ang online portal kung saan maaaring makuha ang digital COVID-19 vaccination certificate ng mga fully vaccinated na indibidwal.

Ayon sa Malacanang, para lang muna ito sa ngayon sa mga nagpabakuna sa Metro Manila at Baguio City na lalabas ng bansa.

"Bibigyang prayoridad sa unang phase ng pagpapatupad ng VaxCertPH ang overseas Filipino workers, at mga Pilipinong aalis po paibang bansa, kung saan ang place of residence ay Metro Manila at Baguio City. Bubuksan ito sa general public at iba pang mga bagay at a later time," ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

Kasama sa mga impormasyon na lalabas sa certificate ang lugar at petsa ng pagbabakuna, maging ang brand ng ginamit na bakuna at QR Code.

ADVERTISEMENT
Sa Navotas, nagtayo ng booth sa city hall ang lokal na pamahalaan para sa mga residenteng walang access sa internet o gadget.

Para ma-accomodate sa booth, kailangang magdala ng dalawang government-issued ID at ng vaccination card. Prayoridad anila ang mga bibiyahe palabas ng bansa.

Pero puwede rin buksan sa sariling cellphone o computer ang vaxcert.doh.gov.ph.

Kung nagpabakuna pero hindi available ang vaccination record sa website, maaaring i-upload ang larawan ng vaccination card at govenment-issued ID para ma-update ang record nito.

Nasa 15 milyong katao na ang maituturing na "fully vaccinated" kontra COVID-19 sa bansa, habang higit 20 milyon ang partially-vaccinated.

-- Ulat ni Vivienne Gulla, ABS-CBN News
KAUGNAY NA VIDEO
Read More:
vaxcertph
Metro Manila
COVID-19 vaccination
DOH
Department of health
Bureau of Quarantine
vaccination certificate
COVID19
coronavirus
COVID-19
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT