Mga salitang 'Filipinx,' 'Pinxy' kinilala ng online dictionary | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga salitang 'Filipinx,' 'Pinxy' kinilala ng online dictionary

Mga salitang 'Filipinx,' 'Pinxy' kinilala ng online dictionary

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 06, 2020 06:20 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Kung kasarian ang pag-uusapan, sanay ang mga Pinoy sa mga katagang "Filipino" para sa lalaki at "Filipina" naman para sa mga babae.

Pero kamakailan, opisyal nang kinilala ng online dictionary na dictionary.com ang "Filipinx" at ang impormal nitong katumbas na "Pinxy," na matagal nang ginagamit ng mga Pinoy sa Amerika.

Ayon sa dictionary.com, ang "Filipinx" ang tawag sa mga ipinanganak sa Pilipinas, lalaki man o babae, at pamalit sa mga katagang "Filipino" at "Filipina."

Sa "Filipinx," pinalitan ng "x" ang "o" at "a" kaya maaari itong gamitin kanino man.

ADVERTISEMENT

Para kay Mykel Andrada, direktor ng Sentro ng Wikang Filipino sa University of the Philippines-Diliman, tama na magkaroon ng bagong termino na maaaring gamitin ng ano mang kasarian.

"Magandang hakbang na nagkakaroon tayo ng recognition at ng consciousness-raising hinggil sa mga gender neutral na mga words," ani Andrada.

Sang-ayon din dito ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

"Binago lamang 'yong 'o' para sa male at 'a' para sa female at ginawang 'x' para wala nang dibisyon sa pagitan ng babae o lalaki," ani KWF Commissioner Arthur Casanova.

"Okay lang po iyan dahil maaaring iyan ay identidad ng isang pangkat o maaaring umiiwas sila sa diskriminasyon," dagdag niya.

Hati naman ang reaksiyon ng publiko ukol sa paggamit ng "Filipinx" at "Pinxy."

"Hindi siya maganda. Sa panahon ngayon, na lagyan ng ganoon 'yong word na 'yon, kasi siyempre parang 'pag 'x,' parang meaning noon, bad," ani Ariane Saludez.

"Okay naman po siya kasi for equality siya," sabi naman ni Ralph Quiambao.

"Dapat kung talagang, kung lalaki ka, lalaki; kung babae ka, babae. Hindi puwedeng baguihin na ganoon," ani Erlinda Nitura.

Ayon sa mga eksperto, dapat tandaan ng publiko na nagbabago ang wika sa paglipas ng panahon.

"Tatandaan natin palagi na 'yong wika, dinamiko 'yan. Kapag sinabi natin na dynamic, it is always in a constant change, lagi 'yan nagbabago," ani Andrada.

"Kung tatagal 'yan o hindi, depende po sa gagamit," ani Casanova.

-- Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.