BRP Gregorio del Pilar, nabutas | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
BRP Gregorio del Pilar, nabutas
BRP Gregorio del Pilar, nabutas
Zhander Cayabyab,
ABS-CBN News
Published Sep 05, 2018 07:56 PM PHT

Nabutas ang BRP Gregorio del Pilar matapos sumadsad sa Hasa-Hasa Shoal sa West Philippine Sea noong Miyerkoles ng nakaraang linggo.

Ayon kay Philippine Navy Flag officer-in-command Vice Admiral Robert Empedrad, may mga butas sa hull ng barko kaya unti-unting pinapasok ng tubig ang loob nito.

Nagsagawa ang Navy ng “shoring” o pansamantalang tinapalan ang mga butas upang hindi tuluyang bahain ang loob nito.

BRP Gregorio del Pilar, nabutas at natanggalan ng propeller matapos sumadsad sa Hasa-Hasa Shoal. Mabagal itong hinihila ng tugboats patungo sa Subic. Sa Setyembre 7 inaasahang darating sa pantalan ang barko para makumpuni (📷: AFP PAO) | via @zhandercayabyab pic.twitter.com/tUrWO0OChi
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) September 5, 2018

Hindi na rin operational ang barko dahil natanggal na ang propeller nito.

ADVERTISEMENT
Kukumpunihin ang barko kapag ito'y nadala na sa shipyard ng Subic Port. Naka-schedule na rin daw ang barko para sa repair at maintenance.

Sa Biyernes pa inaasahang darating ang barko sa Subic dahil mabagal itong hinihinila ng mga tugboat.

Dating United States Coast Guard cutter ang BRP Gregorio Del Pilar bago ito naibigay sa Pilipinas noong 2011.