'Nasusuka na kami': Paghingi ng bagong 'timeout', pinag-uusapan ng mga doktor | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Nasusuka na kami': Paghingi ng bagong 'timeout', pinag-uusapan ng mga doktor

'Nasusuka na kami': Paghingi ng bagong 'timeout', pinag-uusapan ng mga doktor

ABS-CBN News

Clipboard

Kilos-protesta ng mga health worker noong National Heroes
Kilos-protesta ng mga health worker noong National Heroes' Day para ipanawagan ang pagbibigay ng benepisyong ipinangako sa kanila ngayong pandemya. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

MAYNILA - Pinag-uusapan nang humirit ng timeout ng grupo ng mga doktor sa harap ng paglobo muli ng mga kaso ng COVID-19.

Inaalam na ng Philippine College of Physicians ang sitwasyon sa iba't ibang ospital ng bansa at kung kinakaya pa ito ng mga health worker.

Marami aniya sa kanila ang nasusuka na sa pagod dahil sa sobrang dami ng pasyente.

"Maski ako, nararamdaman ko na 'yung pagod. In fact, ang feeling na namin, nasusuka na kami. Gan'yan talaga 'yung pakiramdam namin. Ibig sabihin, medyo nahihirapan na kami," ani PCP President Maricar Limpin.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Limpin, hindi lang pisikal ang kanilang stress kundi emosyonal at psychological din.

Nakakadagdag pa aniya ng stress ang kakulangan ng suplay ng gamot gaya ng tocilizumab.

Watch more in iWantv or TFC.tv

"Alam din namin yung mga sitwasyon ng aming mga kasama, fellow health workers. So alam din natin na masyadong maingay. So siyempre kaming mga doktor, ayaw naming dumagdag pa sa ingay," ani Limpin.

Sabi ni infectious disease expert Dr. Anna Ong-Lim, may limitasyon din ang kakayahan ng mga health worker kaya talagang pagod na sila.

Makikita aniya ito sa mga emergency room kung saan pila-pila ang mga pasyente.

ADVERTISEMENT

"Siguro, 'yung isang kailangan nating intindihin, marami din sa mga health care workers nagkasakit. So kahit na sabihin natin na gustong kayanin noong mga natira, may limit naman yung kakayanan ng katawan na gawin yung trabaho ng kasamahan mo nang hindi nakapasok. And then eventually, ito na rin siguro ang magiging cause na sila naman ang mapagod at magkasakit," ani Ong-Lim.

Ayon kay Dr. Rontgene Solante ng San Lazaro Hospital, kinakaya na lang ng mga health worker ang trabaho at pagod, lalo't hindi naman puwedeng tanggihan ang mga pasyente.

"Hindi lang doktor ang napapagod, mga nurse. And ngayon nga, kadalasan dito sa mga hospital, including the government hospital like San Lazaro, nagkakasakit na talaga ang mga doktor at nurses. Despite the fact, we continue to accommodate," ani Solante.

Nitong Miyerkoles ay umabot na sa mahigit 2 milyon ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, habang mahigit 100,000 ang active cases o nagpapagaling pa rin sa sakit. Sa loob lamang ng apat na buwan, nadagdagan nang 1 milyon ang kaso ng COVID-19 sa bansa, ayon kay ABS-CBN Data Analytics head Edson Guido.

Sa ngayon ay naka-modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila at 15 iba pang lugar hanggang Setyembre 7.

ADVERTISEMENT

Dahil sa kakulangan ng benepisyo lalo sa kasagsagan ng pandemya, iba't ibang kilos-protesta na ang isinagawa ng maraming health workers.

Nanawagan si dating Health Secretary Dr. Esperanza Cabral na pakinggan ang hinaing ng mga healthcare worker.

Aniya, maging ang mga healthcare worker sa labas ng Metro Manila na may mataas na COVID-19 cases ay hirap na rin dahil sa kakulangan ng pasilidad at kakaunting tauhan.

"Ang healthcare workers ay notoryus sa pagiging kimi.
Hanggang hindi talaga sila lupasay ay hindi pa sila magrereklamo. 'Pag nagreklamo sila, kailangan nating tuunan ng pansin. Ang susunod na mangyayari ay wala ng mangyari, magko-collapse ang ating health care system," ani Cabral.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.