KILALANIN: Bagong talagang hepe ng PNP | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KILALANIN: Bagong talagang hepe ng PNP
KILALANIN: Bagong talagang hepe ng PNP
Jaehwa Bernardo,
ABS-CBN News
Published Sep 02, 2020 12:14 PM PHT
|
Updated Sep 02, 2020 08:13 PM PHT

MAYNILA (UPDATE) - Itinalaga bilang bagong hepe ng Philippine National Police si Gen. Camilo Cascolan, na nangakong tutugisin ang mga "high-value" target sa kampanya kontra droga sa loob ng maikling panahong pamumuno sa pambansang pulisya.

Kinumpirma ni Interior Secretary Eduardo Año gabi ng Martes ang pagtalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Cascolan.

Bago maging chief PNP, hawak ni Cascolan ang pagiging deputy chief for administration ng PNP, ang pangalawang pinakamataas na posisyon sa organisasyon.

Nagsilbi ring hepe ng pulisya sa Metro Manila si Cascolan.
Nagsilbi ring hepe ng pulisya sa Metro Manila si Cascolan.
ADVERTISEMENT
Papalitan ni Cascolan si Gen. Archie Gamboa, na nakatakdang magretiro ngayong Miyerkoles matapos ang halos 8 buwang pamumuno sa PNP.

Nitong taon, si Cascolan ang pansamantalang nangasiwa sa PNP matapos maaksidente ang isang helicopter na sinasakyan ni Gamboa.

Mas kilala sa palayaw na "Pikoy," si Cascolan ang ikaapat na chief PNP na nanggaling sa "Sinagtala" Class of 1986 ng Philippine Military Academy kasunod nina Gamboa, Oscar Albayalde, at Sen. Ronald Dela Rosa.

Isa rin si Cascolan sa mga may akda sa Oplan Double Barrel, ang anti-criminality campaign ng PNP.

Layon ng Oplan Double Barrel na labanan ang ilegal na droga sa mga komunidad sa pamamagitan ng Oplan Tokhang, habang pinupuntirya din ang mga "high-value target."

Subalit marami na ang bumatikos sa kampanya kontra droga ng administrasyon, na sinasabing puno ng human rights violation dahil sa pagpatay sa mga drug suspect.

Tinatayang nasa higit 8,600 drug suspect ang napatay sa ilalim ng drug war ng gobyerno, ayon sa ulat ng United Nations Office of the High Commissioner on Human Rights. Ayon naman sa mga awtoridad, nanlaban ang mga drug suspek sa mga operasyon kaya napatay.

'High-value' targets sa drug war tutugisin
Inaasahang 2 buwan lang uupo bilang chief PNP si Cascolan, na nakatakdang magretiro sa Nobyembre.

Ayon kay Cascolan, sesentro ang kaniyang maikling pamumuno sa PNP sa pagtugis sa "high-value" target ng anti-drug campaign.

Sa panayam ng Teleradyo, sinabi ni Cascolan na titiyakin niyang may maipakukulong nang malalaking drug lords at hindi lang puro maliliit na sangkot dito.

Paiigtingin din umano niya ang case build-up at tutugisin din ang network ng mga drug lord.

Umaasa rin si Cascolan na maisasama sa isinusulong na pagbabalik ng death penalty ang mga drug trafficker.

Tututukan din umano ni Cascolan ang internal cleansing sa PNP.

"Atin pa rin pong paiigtingin ang anti-drug campaign natin. Atin pong titingnan na ang high-value individuals ay sila ang dapat maaaresto," ani Cascolan.

Sinabi rin ni Cascolan na tuloy-tuloy lang ang police visibility, lalo na ngayong may pandemya.
Sinabi rin ni Cascolan na tuloy-tuloy lang ang police visibility, lalo na ngayong may pandemya.
ADVERTISEMENT
Paiigtingin umano niya ang pag-ikot ng mga pulis para tiyaking sumusunod ang publiko sa health standards.

Seniority ang basehan
Ayon naman kay Secretary Año, "seniority" ang pinagbasehan ni Duterte sa pagpili kay Cascolan.

Sa panayam sa Teleradyo, sinabi ni Año na bagama't 2 buwan lang maninilbihan si Cascolan, nirerespeto nila ang pasya ni Duterte na isaalang-alang ang maturity o seniority.

Posible rin umanong palawigin ang tagal sa serbisyo ni Cascolan.

"Tiningnan ng ating pangulo 'yong mga records ng senior officers na candidates at nakita ng pangulo na OK naman ang record ni General Cascolan, so 'yon ang naging desisyon," aniya.

Inilarawan ni Año si Cascolan bilang "well-rounded" officer na nadestino na sa iba't ibang assignment, sa combat man o administrative function.

Tiwala naman ang Malacañang na maraming magagawa si Cascolan kahit 2 buwan lang sa panunungkulan, ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

-- May ulat nina Raffy Santos at Jeff Canoy, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Philippine National Police
Camilo Cascolan
chief PNP
Eduardo Año
Archie Gamboa
Sinagtala class
law enforcement
Camilo Cascolan profile
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT