Dating punong barangay sa Bukidnon, patay sa pamamaril

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|

Dating punong barangay sa Bukidnon, patay sa pamamaril

ABS-CBN News

Clipboard

QUEZON, Bukidnon - Patay ang isang dating punong barangay ng Barangay Santa Filomena nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga salarin Sabado ng gabi.

Dead on arrival na sa ospital si Alberto Canuman, dating punong barangay at kasalukuyang kagawad ng Barangay Santa Filomena, matapos pagbabarilin ng limang salarin.

Ayon kay P02 Erb Diaz, ang imbestigador ng Quezon Municipal Police Station, lumabas ng bahay ang biktima nang makarinig ng isang putok ng baril upang alamin kung saan ito galing, pero sinalubong siya ng magkakasunod na putok.

Na-recover sa crime scene ang 23 na basyo ng bala M-16 at kalibre .45 na baril.

ADVERTISEMENT

May lead na sa kaso ang mga pulis, pero tumanggi muna silang magbigay ng detalye para na rin sa seguridad ng mga kaanak ng biktima.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.