ALAMIN: Mga krimeng tumaas ang multa at bumigat ang parusa | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Mga krimeng tumaas ang multa at bumigat ang parusa

ALAMIN: Mga krimeng tumaas ang multa at bumigat ang parusa

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 01, 2017 10:58 PM PHT

Clipboard

Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 10951 na naglalaman ng mga pagbabago sa Revised Penal Code.

Kabilang sa mga pagbabago ang pagpataw ng mas mataas na halaga ng mga multa at bigat ng parusa sa ilang mga krimen.

Halimbawa, inakyat sa halagang P2.4 million hanggang P4.4 million ang halagang dapat sangkot sa swindling o estafa upang makulong ng apat hanggang walong taon.

Dati, nasa halagang P12,000 hanggang P22,000 lamang ang kailangan upang mapatawan ng pagkakabilanggong apat hanggang walong taon.

ADVERTISEMENT

Isa hanggang 20 taong pagkakabilanggo ang idadagdag sa bawat P2 milyong dagdag sa halaga ng na-estafa mula sa P10,000 sa lumang bersiyon ng batas.

Dalawa hanggang anim na buwang pagkakabilanggo na lang ang parusa sa estafa na may halagang P4,000 pababa. Ito ay parusa sa nang-estafa ng halagang P200 pababa.

Hindi lalagpas sa P4 milyon ang multa sa magkakasala ng treason mula sa P100,000.

Itinaas naman sa isang milyon ang multa sa krimeng coup d'etat mula sa P8,000.

Tinaasan din ang multa sa direct at indirect assault, pagkakalat ng "fake news" o maling balita, pamemeke ng mga dokumento ng pampubliko o pribadong indibidwal at iba pa.

Inakyat din ang halaga ng ninakaw at karamapatang parusa para sa magkakasala ng robbery at theft.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.