Bata natagpuang patay, putol ang paa at tainga | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bata natagpuang patay, putol ang paa at tainga

Bata natagpuang patay, putol ang paa at tainga

Dennis Datu,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 30, 2016 10:04 PM PHT

Clipboard

MANILA – Natagpuang patay at nawawalan ng ibang bahagi ng katawan ang isang batang lalaking apat na araw nang nawawala sa Binangonan, Rizal.

Natagpuan ang katawan ni Daniel Jade Diangco, 9, sa gilid ng ilog sa loob ng isang ginagawang subdibisyon sa Barangay Bilibiran, Binangonan, Rizal. Ayon sa mga imbestigador ay wala nang mga paa at isang tainga ang bata nang matagpuan ang bangkay nito ng isang trabahador.

Ayon sa mga pulis ay posibleng namatay ang biktima dahil sa tama sa ulo.

“Kawawang-kawawa naman ang anak ko, walang kalaban-laban, tapos ginanon nila,parang baboy ginawa nila,” ani Dewana Diangco, ina ni Daniel.

ADVERTISEMENT

Ayon sa kanyang pamilya, Miyerkules ng umaga nang umakyat ng bundok ang biktima kasama ng tatlong bata para manghuli ng gagamba.

Nauna umanong umuwi si Daniel matapos makahuli ng gagamba, ngunit hindi na ito nakarating sa bahay.

Ipinagtaka umano ng mga magulang ng biktima na lumitaw ang bangkay ng kanilang anak sa gilid ng ilog, dahil wala pa ito nang magtungo sila dito para hanapin ang bata.

Ayon sa mga pulis sa Binangonan ay wala pa silang nakikitang testigo na maaaring tumulong sa kaso, pero kanilang tinitingnan ang anggulong napagkamalang magnanakaw o napagdiskitahan ang biktima kaya ito ay pinatay.

"Bata pa iyan, walang naging kaaway, kaya hindi natin ma-establish ang motibo,” ani Superintendent Noel Versoza, ang hepe ng mga pulis sa Binangonan.

Umapela ang pamilya Diangco ng agarang katarungan. Anila, sana ay sumuko na ang taong pumatay kay Daniel.

Nakiusap rin ang ina ni Daniel na si Dewana kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa hustisya. “Kay Presidente Rodrigo Duterte, gusto po naming magkaroon ng hustisya ang anak namin. Kung sinuman siya, sumuko na lang siya,” aniya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.