'No homework policy' tinutulan ng mga guro | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'No homework policy' tinutulan ng mga guro

ABS-CBN News
Published Aug 28, 2019 07:45 PM PHT

Tinutulan ng grupo ng mga guro ang panukalang inihain sa Kamara na layong pagbawalan ang pagbibigay ng takdang-aralin o homework sa mga mag-aaral tuwing weekend.

"Pinakamasakit sa amin, ano? 'Yong tingin namin dito, ito ay isang pambabalewala sa aming propesyon, insulto sa aming mga teacher," ani Teachers' Dignity Coalition national chairperson Benjo Basas.

Sa ilalim ng House Bill No. 388, na inihain ni Quezon City Rep. Alfred Vargas, ipagbabawal ang pagbibigay ng mga guro ng takdang aralin sa mga estudyante sa elementary at high school tuwing weekend.

Pagmumultahin ng P50,000 ang mga lalabag at maaaring makulong ng hanggang 2 taon.
Pagmumultahin ng P50,000 ang mga lalabag at maaaring makulong ng hanggang 2 taon.
ADVERTISEMENT
Isa si Emmalyn Policarpio sa mga gurong tutol din sa panukala.

Halos araw-araw siyang nagbibigay ng takdang-aralin sa mga estudyante sa elementarya dahil naniniwala siyang iyon ang paraan para talagang matutunan ng mga bata ang mga itinuro sa kanila sa klase.

"Dito mo ma-instill sa bata iyong disiplina. Bukod doon, 'yong pagiging responsable. Hindi po kasi nagtatapos sa paaralan 'yong kanilang pagkatuto," ani Policarpio.

Wala namang nakikitang problema ang psychiatrist na si Dr. Bernadette Arcena sa pagkakaroon ng takdang-aralin pero maaari raw maapektuhan ang mental health ng estudyante kapag sobra ang bigat ng mga rekisito sa eskuwelahan.

"Hindi lang dapat intellect ang kaniyang mina-mature in life. It should also be the emotional balance," ani Arcena.
"Hindi lang dapat intellect ang kaniyang mina-mature in life. It should also be the emotional balance," ani Arcena.
ADVERTISEMENT
Nagpahayag na rin ng suporta si Education Secretary Leonor Briones sa panukalang "no homework" pero depende pa rin daw sa mga mambabatas kung maipapasa ito.

Naghain naman ngayong Miyerkoles si Sen. Grace Poe ng kaparehong panukala sa Senado.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 966, bawal ang pagbibigay ng takdang-aralin sa mga mag-aaral mula kindergarten hanggang Grade 12 tuwing weekend. -- Ulat ni Apples Jalandoni, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
edukasyon
Kamara
Alfred Vargas
Teachers' Dignity Coalition
pag-aaral
mental health
TV Patrol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT