'Tech-voc' training, tinitingnang tulong sa job mismatch | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Tech-voc' training, tinitingnang tulong sa job mismatch

ABS-CBN News
Published Aug 26, 2018 07:53 PM PHT

Maaga pa lang ay pumila na ang 30 anyos si Anthony Galdo sa job fair ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) nitong weekend.
Dati siyang working student na huminto sa kursong Information Technology (IT) dahil sa kakapusan sa pera.
Imbes na manlumo, nagdesisyon siyang mag-aral ng kursong welding sa TESDA. Ngayon, umaasa siya na magiging tulay ang pag-apply sa job fair para makahanap ng mas magandang trabaho sa ibang bansa.

“Kung matanggap ako, bale experience muna. Tapos mga 1 year to 2 years siguro try ko mag-ibang bansa,” aniya.

Kabilang si Galdo sa libu-libong mga sumalang sa job fair ng TESDA nitong weekend na nilahukan ng may 90 kompanya mula Metro Manila.

Kasabay nito ang iba pang mga TESDA job fair sa iba’t ibang rehiyon ng bansa, at prayoridad nila ang mga naka-graduate sa mga kurso ng TESDA.

ADVERTISEMENT
Pasok ang kursong kinuha ni Galdo sa mga hinahanap ng mga employer, lalo na’t umuusbong na ang “Build, Build, Build” na programa ng gobyerno.

In-demand pa ang trabaho sa construction, tourism, IT, business process management, at manufacturing, ayon sa TESDA.

“The edge of our graduates is that they are skilled workers. Marunong na po sila eh. They are really for employment,” ayon kay TESDA Secretary-General Gene Mamondiong.

Paliwanag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na malaking tulong ang skills training ng TESDA para matugunan ang isyung job mismatch ng bansa.

“Kasi dito nalalaman natin kung ano ang pangangailan ng employers natin, with basic information of what the industry needs. Malaking tulong especially sa construction industry,” ani DOLE Secretary Silvestre Bello.

Nagbunga ang pagtitiyaga at pagod ni Galdo dahil nagamit niya ang natutuhan sa skills training para matanggap siya sa trabaho.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT