20 mga bahay, tindahan nasira ng malakas na hangin sa Davao City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
20 mga bahay, tindahan nasira ng malakas na hangin sa Davao City

Claire Cornelio,
ABS-CBN News
Published Aug 21, 2019 04:16 PM PHT

DAVAO CITY - Nasira ng malakas na hangin ang mahigit 20 mga bahay at tindahan sa Barangay Gumalang, Baguio District dito sa siyudad Martes ng hapon.

Ayon sa mga residente, mahina lang ang ulan pero malakas ang hangin. Nilipad ng malakas na hangin ang bubungan ng tindahan ni Gloria Sedoripa kaya nabasa ang kaniyang mga paninda at mga gamit.

Nagiba rin ng malakas na hangin ang estante na pinaglagyan ng mga panindang pagkain ni Lorena Go. Nabuwal naman ang dalawang puno ng saging sa harapan ng kaniyang tindahan.

Sa paunang bilang ng barangay, mahigit 20 bahay at tindahan mula sa Purok 5, 6 at 8 ang nasira ng malakas na hangin at maraming puno ng mga prutas ang natumba gaya ng lanzones, durian at saging.

Ayon sa PAGASA, ang malakas na hangin at ulan ay epekto ng thunderstorm.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.